^

Dr. Love

Bigay todo sa anak na lalaki

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Vicencio.  Sinisisi ako ng misis ko dahil sa kinukunsinte ko raw ang anak naming lalaki. Syempre nag-iisang lang siya, kaya ibinibigay ko ang hilig. Gusto kong maging brusko siya, dahil magiging tagapagtanggol siya ng kanyang mga kapaitd na babae.

Apat ang anak namin, hiniling ko talaga kay Lord na magkaanak kami ng lalaki kahit isa. Hayun tinupad naman niya.

Sa paborito syempre, mahal ko ang lahat ng anak namin. ‘Yun lang, talagang focus ako sa nag-iisang lalaki naming anak.

Sa isang banda, tama si misis dahil mara-ming pabor ang naibibigay ko sa aming anak na lalaki.

Kapag humingi ng pera o may ipapabili, bigay agad ako.

Nitong birthday niya, 21 years old na siya. Hmiling ng motor, kaya talagang ipinangutang ko sa aming kumpanya para mabilhan ko siya agad.

Pinaayos ko na rin ang license niya. Kaso nitong nakaraang araw, matapos ang birthday celebrationniya, pinatakbo ng matulin ang motor, hayun sumemplang. Bale ang buto sa braso. Agad naming itinakbo sa ospital.

Abot-abot ang sermon na natanggap ko sa aking misis.

Vicencio

Dear Vicencio,

Wala namang may gusto na madisgrasya ang anak ninyo. Kaya huwag ka nang mag-alala. Natural lang naman na magalit ang misis mo dahil sa kanyang pag-aalala sa inyong anak.

Ang mabuti pa ay asikasuhin na muna ninyo ang paggaling ng naaksidente ninyong anak kaysa mag-away pa kayo.

Hayan na nga ang nangyayari dahil sa pagiging agresibo ng mga kabataan. Hindi naman mali ang ibigay ninyo ang kailangan ng inyong anak. Pero dapat hinay-hinay lang. Huwag kayong magkukulang sa pagpapaalala sa kanila.

Alalayan ninyong mabuti ang inyong anak na lalaki hanggang sa gumaling. Mag-usap kayo kung pagmomotorin pa ba ninyo siya kapag magaling na o ibebenta na lang ang motor para hindi na maulit na madisgrasya  siya. Dalangin ko na pinakainam na desisyon ang mapilim ninyo.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with