^

Dr. Love

Nabudol sa social media

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo Mang Tembot. Nag-away kami ng aking asawa dahil sinabihan ko siya na huwag masyadong maniwala sa mga nagbibigay ng pera sa social media. Ginagamit kasi ang mga pulitiko at mga sikat na tao para mapaniwalaan sila.

Mahilig si misis na makisali sa mga palaro sa fb at minsan sumasali rin siya sa mga online selling.

Nadali kami ng misis ko, nabawasan ang aming gcash. Nanood siya ng palaro ng isang politician na magbibigay raw ng 20k kapag mapalad na mapili ng konsehal.

Hayun, nang tawagin ang kanyang pa-ngalan, ilang minuto lang may tumawag na sa amin. Tapos hiningi ang OTP ng gcash ni misis, ayun nadali kami, 500 pesos ang nabawas. Mabuti at hindi malaki ang nakalagay na amount dun.

Kaya inaway ko siya dahil hindi siya maru-nong makinig. Sinisisi rin niya ako kasi nakisali din ako sa panonood bago pa nabawasan ang aming gcash.

Pambili ko sana ‘yun ng baboy at manok para pang ulam namin, nadali pa.

Mang Tembot

Dear Mang Tembot,

Alam na ninyo, sa sususnod mag-ingat na kayo sa mga pinanonood ninyo sa social media. Huwag basta maniwala sa mga videos. Hindi naman lahat ay nanloloko, kaso ang mahirap ay kapag natyempuhan ka.

Mas mainam ‘yung mga programa sa inyong barangay o kaya sa mga tanggapan ng gobyerno kayo sumali para matulungan kayo ng maayos.

Makipag-ugnayan kayo sa inyong barangay.

Paalala na huwag basta ibibigay ang inyong personal data, para hindi kayo mabiktima ng mga scammer.

DR. LOVE

 

vuukle comment

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with