^

PSN Palaro

Pukpukan na ang ensayo ng Gilas Pilipinas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pukpukan na ang ensayo ng Gilas Pilipinas
Tatlong beses kada linggo ang ensayo ng Pinoy cagers kung saan ilang bagong mukha ang isinama sa listahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).
STAR/ File

MANILA, Philippines — Walang balak magpakampante ang Gilas Pilipinas na nasa pukpukang ensayo na para paghandaan ang FIBA World Cup Qualifiers na idaraos sa Pebrero.

Tatlong beses kada linggo ang ensayo ng Pinoy cagers kung saan ilang bagong mukha ang isinama sa listahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Nadagdag si Jason Credo ng Ateneo de Manila University habang inim­bitahan din ang katropa nitong sina Dave Ildefonso at Geo Chiu.

Nagsasanay na rin si Ladis Lepalam ng College of Saint Benilde na isa rin sa mga bagong nadagdag sa pool.

Kasama nila sina Isaac Go, Rey Suerte, Mike Nieto, William Navarro, Jaydee Tungcab, Tzaddy Rangel, Justine Baltazar, SJ Belangel at Carl Tamayo.

Nakabalik na rin sa pagsasanay sina Matt Nieto at Allyn Bulanadi na galing sa injuries.

Matinding schedule ang pagdaraanan ng Gilas Pilipinas sa 2022.

Pinaghahandaan nito ang FIBA World Cup Qua­lifiers na idaraos sa Pilipinas sa Pebrero. Kasama ng Pilipinas sa grupo ang South Korea, New Zealand at India.

Maliban sa FIBA World Cup Qualifiers, sasabak din ang Gilas sa Southeast Asian Games sa Mayo sa Haoin, Vietnam, FIBA Asia Cup sa Hulyo sa Jakarta, Indonesia; at Asian Games sa Setyembre sa Hangzhou, China. “They’ve been training thrice a week,” ani SBP special assistant to the president Ryan Gregorio.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with