^

PSN Palaro

Biado kampeon sa US Open Pool Championship

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Biado kampeon sa US Open Pool Championship
Masayang tinitingnan ni Pinoy pride Carlo Biado ang kanyang US Open trophy.
Matchroom pool photo

MANILA, Philippines — Binigyan ni 2017 World 9-Ball champion Carlo Biado ng pagkakataon ang Pilipinas na muling magdiwang matapos masikwat ang korona sa 2021 US Open 9-Ball Pool Championship na ginanap sa Harrah’s Resort sa Atlantic City.

Bagama’t nalugmok sa unang bahagi ng laban, hindi agad nawalan ng pag-asa si Biado para kunin ang 13-8 come-from behind win kontra kay Alysius Yapp ng Singapore sa championship round.

Mainit ang palad ni Yapp sa pagsisimula ng laban nang kunin nito ang 8-3 bentahe.

Ngunit tila kabado ang Singaporean nang magmintis ito sa krusyal na 9-ball sa ika-12 rack ng laro.

Sinamantala naman ito ni Biado para makabalik sa kontensiyon.

Ito na ang naging ma-gandang pagkakataon ni Biado nang kubrahin nito ang sunud-sunod na racks hanggang sa huli para makuha ang korona.

Hindi maitago ni Biado ang kasiyahan matapos maging ikalawang Pilipino na nagkampeon sa US Open.

Una nang nagkampeon si legendary cue master Efren “Bata” Reyes na namayagpag noong 1994 edisyon ng torneo.

“I’m happy because this event is one of my dreams. I dedicate this to my family and also to my baby,” pahayag ng mangiyak-ngiyak na si Biado.

Napasakamay ni Biado ang tumataginting na $50,000 premyo o halos P2.5 milyon habang nagkasya si Yapp sa $25,000 konsolasyon o P1.2 milyon.

Nagpasalamat si Biado sa mga sumuporta sa kanya partikular na ang mga Pinoy fans na duma-ting sa venue sa kabila ng pandemya.

“Thanks to all of you even during this time of pandemic you’re still here watching me and also to all the Filipinos who support me everywhere (I play),” ani Biado.

Umabante sa finals si Biado matapos gapiin si Naoyuki Oi ng Japan  (11-9) sa semis habang nanaig naman si Yapp kay Dennis Orcollo sa hiwalay na semis match (11-6).

vuukle comment

WORLD 9-BALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with