Labi ni Kobe Bryant opisyal nang tinukoy ng medical examiners sa bumagsak na helicopter
MANILA, Philippines — Positibo nang tinukoy ng medical examiners ang katawan ni basketball legend na si Kobe Bryant sa mga kasamang nasawi sa pagbagsak ng kanilang helicopter sa Calabasas, California, Martes (Miyerkules sa Maynila).
Sa ulat ng Agence France-Presse, sinabing na-identify si Kobe gamit ang kanyang mga fingerprints, kasama ng tatlong iba pa dalawang araw matapos ang trahedyang nagpahagulgol sa maraming sports fans.
Kasama rin ang bangkay ng pilotong si Ara Zobayan, basketball coach na si John Altobelli at Sarah Chester ang kinilala.
Sa kabila nito, hindi pa opisyal na tinutukoy ng mga coroner ang limang iba pa, kasama ang 13-anyos na anak niyang si Gigi Bryant.
Nagluluksa pa rin ang marami sa nangyari, dahilan para magpaabot ng kani-kanilang tribute ang fans.
Bago magsimula ang kanilang laro laban sa Phoenix Suns, nag-alay ng ilang sandaling katahimikan ang Dallas Mavericks kanina.
The Dallas Mavericks pay tribute to Kobe Bryant and recognize the nine lives lost on Sunday with a moment of silence. pic.twitter.com/pXZW4PTc7c
— NBA (@NBA) January 29, 2020
Kasama sa mga nakiramay ang University of Connecticut, na pangarap sanang pasukan ni Gigi Bryant, na naghandog sa kanya ng isang "honorary jersey" sa gitna ng kanilang exhibition game laban sa USA women's national team.
Mambacita is forever a Husky ?? pic.twitter.com/3wdAbdK0Ye
— UConn Women's Hoops (@UConnWBB) January 27, 2020
Una nang nagpaabot ng simpatya ang Malacañang ang kinasapitan ni Kobe, na pitong beses nang bumibisita sa Pilipinas. — James Relativo at may mga ulat mula kay Luisa Morales
- Latest