^

PSN Palaro

Standhardinger posibleng sapawan si Fajardo para sa PBA MVP award

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Standhardinger posibleng sapawan si Fajardo para sa PBA MVP award

MANILA, Philippines — Kung may player mang magiging hadlang sa pagkopo ni June Mar Fajardo ng kanyang record na ikaanim na sunod na Most Valuable Player trophy, ito ay ang dati niyang back-up na si Christian Standhardinger.

Napasama ang pangalan ni Standhardinger ng NorthPort sa mga conten­ders para sa 2019 PBA MVP award matapos hirangin bilang Best Player of the Conference ng nakaraang 2019 Governors Cup.

Tinalo ng 6-foot-8 Fil-German center si Fajardo ng San Miguel para sa nasabing tropeo ng season-ending conference na pinagharian ng Barangay Ginebra sa ikatlong pagkakataon sa huling apat na taon.

Bagama’t nasa No. 16 sa kanyang 26.7 sps ay may tsansa pa rin si Standhardinger, dinala ng Beermen sa Batang Pier kapalit ni Moala Tautuaa, na masapawan si Fajardo.

Nangunguna pa rin si Fajardo, bumandera sa pagkopo ng San Miguel sa korona ng 2019 PBA Philippine Cup at Commissioner’s Cup, sa karera para sa MVP derby.

Igagawad ang nasabing parangal sa pagbubukas ng 45th Season ng PBA sa Marso 1.

Nagposte ang 6’10 Cebuano giant ng 39.6 statistical points kasunod si Columbian star guard CJ Perez (33.47 sps) na bumabandera para sa labanan sa 2019 PBA Rookie of the Year trophy.

Bukod sa PBA MVP at Rookie of the Year, igagawad din sa pagsisimula ng 2020 PBA Philippine Cup ang Most Improved Player, Sportsmanship Award at All Defensive Team.

vuukle comment

CHRISTIAN STANDHARDINGER

JUNE MAR FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with