Generika-Ayala pakay ang panalo sa Marinera
MANILA, Philippines — Ang makabangon ang pakay ng Generika-Ayala sa pagharap sa Marinerang Pilipina sa 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Muntinlupa Sports Center.
Magtutuos ang Lifesavers at Lady Skippers ngayong alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng PLDT Home Fibr at Sta. Lucia Realty sa alas-4:15 ng hapon.
Galing ang Generika-Ayala sa kabiguan sa kamay ng Foton para mahulog sa 5-4 marka.
Ngunit wala pa sa isip ni Lifesavers head coach Sherwin Meneses na pindutin ang ‘panic button’.
“It’s not yet time to panic. We still have a long way to go. The conference is just on its second round of eliminations,” ani Meneses.
Nakalasap ang Generika-Ayala ng 16-25, 26-28, 15-25 pagkatalo sa Tornadoes noong Sabado.
At nais ni Meneses na kalimutan na ito at matuto sa kanilang mga pagkakamali.
Babawi para sa Lifesavers sina Patty Orendain, Fiola Ceballos at skipper Angeli Araneta katuwang sina Ria Meneses, Kath Arado at Bia General.
“I reminded the team not to dwell on this loss. What’s important is that we learned our lessons and we bounce back next game,” wika ni Meneses.
Sa kabilang banda, gigil ang Marinerang Pilipina na sumampa sa win column.
Nakasakay sila sa seven-game losing skid.
- Latest