^

PSN Palaro

Nationals kailangang manalo sa Kazakhs,Puwersado!

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Nationals kailangang manalo sa Kazakhs,Puwersado!
Umasinta ng tira si Andray Blatche ng Team Pilipinas laban sa Qatari player sa aksyong ito.
(Fiba.com

MANILA, Philippines — Nangako si NBA veteran Andray Blatche na tutulungan niya ang bansa na makapaglaro sa 2019 FIBA World Cup sa abot ng kanyang makakaya.

Ipinakita ito ng 6-foot-11 naturalized center nang humakot ng 17 points, 15 rebounds, 7 assists, 2 steals  at 2 blocks para pangunahan ang Team Pilipinas sa 84-46 pagmasaker sa Qatar sa sixth at final window ng Asian Qualifiers kamakalawa ng gabi sa Al-Ghafara Sports Club Multi-Purpose Hall sa Doha.

Nagdagdag si Marcio Lassiter ng 14 markers kasunod ang 13, 11 at 10 points nina Paul Lee, Jayson Castro at Japeth Aguilar, ayon sa pagkakasunod, para itaas ang baraha ng Nationals sa 6-5 sa Group F sa ilalim ng Australia (10-1), Japan (7-4) at Iran (7-4).

Tinalo ng mga Aussies ang mga Kazakhs, 81-60 habang pinadapa ng mga Japanese ang mga Iranians, 97-89  sa Tehran.

Kailangang talunin ng Team Pilipinas ang Kazakhstan sa Astana bukas para mapalakas ang tsansa sa tiket sa 2019 FIBA World Cup na gagawin sa China.

“For as long as we make the World Cup, that’s the most important thing,” sabi ni national coach Yeng Guiao, napatalsik sa fourth quarter nang matawagan ng kanyang ikalawang technical foul.

Ang  top three teams sa Groups E at F at ang best fourth-placed team ang aabante sa naturang torneo.

Ang panalo ng Team Pilipinas ang pumuwersa sa Lebanon (6-4) at Jordan (5-5) nasa Group E, na ipanalo ang kanilang mga laro laban sa China at New Zealand, ayon sa pagkakasunod.

Tatlong three-point shots ang inilaglag ni Blatche sa third quarter kung saan kumamada ang Nationals ng 31 points kasabay ng paglimita sa Qataris sa 9 markers.

“Andray created opportunities for us on defense and offense. He changed the whole team. The guys feel good playing with him,” sabi ni Guiao, nakahugot kay Lassiter ng perpektong 4-of-4 shooting sa 3-point range  habang may 3-of-4 clip naman si Lee.

Pinamunuan naman ni Erfan Ali Saeed ang Qatar sa kanyang tinapos na 10 points.

vuukle comment

2019 FIBA WORLD CUP

ANDRAY BLATCHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with