^

PSN Palaro

Ika-2 dikit tangka ng Lady Spikers

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Haharapin ng four-peat seeking De La Salle Lady Spikers ang Adamson Lady Falcons habang magtatagpo naman ang opening day losers na Natio­nal University Lady Bulldogs at University of the East Lady RedWarriors ngayon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 81 volleyball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Target ng Lady Spi­kers ang ikalawang sunod na panalo para muling makisosyo sa liderato sa pagharap kontra sa Lady Falcons sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng labanan ng Lady Bulldogs at Lady Red Warriors sa alas-2 ng hapon.

Dahil sa kanilang mis­yon na historic four-straight championship title, nagpataw ang Lady Spikers ng sariling social media ban para iwasan ang mga  posibleng destructions at mag-focus sa kanilang mga laro.

“Wala na, deleted na Twitter namin before mag-start ng season,” ani Cheng na naglalaro sa pang-lima at huling taon sa UAAP.

Ayon kay Cheng, ang nasabing self-imposed ban ay aabot ng mahigit apat na buwan hanggang matapos ang UAAP volleyball tournament kung saan dinomina nila sa huling tatlong seasons.

“Sa aming sarili lang kami nag-impose. Kahit sa mga rookies sinabihan namin kasi ‘yung hype sa Twitter sobrang iba. Sobrang iba talaga. Kaya ayun shutdown muna ang Twitter namin. Sabi namin. ‘Kahit hindi n’yo i-delete ang Twitter basta ‘wag na kayong magsi-search ng whatever na gusto n’yong i-search,” wika pa ni Cheng.

Umani si Cheng ng  13 puntos kabilang na ang walong atake, dalawang blocks at tatlong aces sa panalo nila kontra sa kari­bal na Ateneo Lady Eagles, 25-14, 25-17, 16-25, 25-19 noong Linggo. 

Hangad naman ng  A­damson Lady Falcons ni coach Airess Padda  na bumangon agad matapos  matalo sa UST Tigresses, 21-25, 21-25, 26-24, 26-24, 15-6  noong Linggo rin.

Sa men’s division, target ng UE Red Warriors ang ikalawang panalo sa pakikipagtuos laban sa NU Bulldogs sa alas-8 ng umaga at magtatagpo rin ang Adamson Soaring Falcons at DLSU Green Spi­kers sa alas-10 ng umaga.

vuukle comment

DE LA SALLE LADY SPIKERS

UAAP SEASON 81 VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with