^

Probinsiya

Lalaki utas, 1 pa kritikal sa pamamaril sa Laguna

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Lalaki utas, 1 pa kritikal sa pamamaril sa Laguna
Ang nakabulagtang lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang kaalitang suspek sa harap ng isang mini-stop store sa Brgy. Batong Malake, Los Baños, La-guna, kahapon ng hapon.
Courtesy: Kristine Amoroso-Corcuera

LAGUNA, Philippines — Isang lalaki ang patay habang malubhang nasugatan ang kanyang kasama matapos silang pagba­barilin ng riding-in-tandem na kanilang kaalitan sa harap ng isang convenience store sa Los Baños City ng lalawigang ito, kahapon ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Saidamen Ampawa na nalagutan ng hininga habang isinusugod sa Los Baños Doctors Hospital sanhi ng maraming tama ng bala sa katawan, at  Macabangon Manuco na nasa kritikal na kondisyon sa nasabi ring ospital.

Sa imbestigasyon ng pulisya, natukoy ang mga suspek sa krimen na sina Lagusak Anowar Bandara at Janal Ameril. 

“Ang biktima ay may hawak na baril at bigong makaganti ng putok nang siya ay mabaril ng gunman, kapwa may dalang baril ang suspek at biktima,” pahayag ni Major Reymond Valdeabella Asistores, Officer-in-Charge ng Los Baños City Police.

Sinabi ni Asistores na ang mga biktima ay takdang makipagkita sana sa suspek na si Ameril sa harap ng mini-stop store upang ayusin ang kanilang away dahil sa kasong R.A 9262, o violence against women and their children act.

Gayunman, habang sakay ng puting Toyota Innova (NCO-5237) ang mga biktima nang big­lang lumutang ang mga suspek at pinaputukan si Ampawa na nasa driver’s seat at si Manuco na nasa likurang upuan ng sasakyan sa Brgy. Batong Malake, dakong alas-12:30 ng hapon.

Nagawa pa ni Ampawa na makalabas ng sasakyan at sinubukang gumanti ng putok subalit bumulagta na siya sa daan.

Ang mga suspek ay mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo matapos ang pamamaril.

Nagkasa na ng hot pursuit at dragnet operation ang mga awtoridad laban sa mga tumakas na suspek.

Sinabi ng mga barangay officials na ang mga biktima at mga suspek ay matagal nang magkaaway at may mga naka­bimbin pang argumento kabilang ang religious case ng mga ito sa barangay.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with