Criminology student dedo sa sagasa ng bus
MANILA, Philippines — Patay ang isang criminology student matapos masagasaan ng pampasaherong bus sa Ragay, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Arabel Cuenca, nasa hustong gulang, residente ng Tagcawayan, Quezon.
Lumilitaw sa pagsisiyasat na nangyari ang aksidente dakong alas-6 ng gabi sa Andaya Highway, Brgy. Agrupacion ng nasabing bayan.
Angkas umano si Cuenca sa motorsiklo nang malubak sa butas sa highway at mahulog. Dito na nagulungan si Cuenca ng kasunod na pampasaherong bus.
Nasa kustodya na ng pulisya ang driver ng bus.
- Latest