^

Pang Movies

Young actress na mahina ang utak, naging puhunan ang ganda ng mukha at katawan para magkapera

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Tinalikuran nang talaga ng isang nakikilalang young actress ang kanyang edukasyon!

Enjoy na enjoy na si YA sa kasikatang tinatamasa niya sa career na tinarget niyang talaga.

Naging fallback ng young actress ang pagsali sa mga talent search contest noong high school pa lang siya.

Eh mahina rin daw ang utak niya kaya ang ganda ng mukha at kinis ng katawan ang naging panlaban niya sa kanyang mga classmate.

Now, hindi man siya mentally equipped pagda­ting sa edukasyon, sikat naman siya kahit kapos sa edukasyon, huh!

Pokwang, matindi ang galit sa ex

Nagpasabog na rin ng banat ang komedyanteng si Pokwang sa hiniwalayan niyang foreigner partner na si Lee O’Brian!

Sa naglabasang pahayag ni Pokie sa social media, limang taon daw na walang financial support sa anak nila na si Malia ang dating partner!

Worse, wala raw siyang pera, eh tae ang tingin sa kanya ng partner, huh! Nakasama ni Pokie sa ginawang movie si Lee kaya sila nagkaroon ng magandang anak.

Nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nila. Eh anong dahilan ng biglang pagsabog ng galit ng komedyana sa dating partner? Aba, mukhang mabigat upang bistuhin ang kapabayaan ni Lee, huh!

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with