^

PSN Opinyon

Lintik na bansang ‘to, paulit-ulit na lang!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MATAGAL na ‘to. Paulit-ulit na lang ang karahasan, pang-aabuso at pagpatay sa ilang overseas Filipino workers (OFWs) sa Middle East lalo sa Kuwait. 

Sinong hindi mabubuwisit na may kababayan na naman­ tayong inabuso? Sinong hindi magagalit kapag naba­litaan mong may isa na namang Pinay ang pinaslang sa ibayong-dagat?

Nitong Enero 20 lang, natagpuan ang bangkay ng isang Pinay sa disyerto ng Kuwait. Bago pinatay at sinunog, hinalay muna ng anak ng amo ng kawawang OFW. Ang suspek na anak ng amo, 17 years old pa lang manyakol na, mamamatay­ tao pa. 

Pagkatapos, ang mga awtoridad natin ay makikipag-usap lang, gagawa kuno ng kontrol at kondisyones para hindi na maulit ang pangyayari. Sinong hindi maririndi?

Naniniwala ako, kinakailangan na nang total deployment ban. Kaya sang-ayon ako kay Senator Tol Raffy Tulfo na tigilan na muna ang pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait. 

Itong lintek na bansang ‘to, kinubkob ng mga Iraqi noon. Tinulungan ng mga allied forces sa pangunguna ng U.S. at binansagang First Gulf War noong 1990. 

Isa si Tol Erwin sa mga sumabak diyan sa sinasabing “operation freedom” ng US Army Infantry Division para palayain ang lintik na bansang ‘yan sa kamay ni Saddam Hussein noon. Napulbos nang husto ang mga Iraqi kaya napalaya ang mga duwag na army at mga mamamayan ng Kuwait.

Thirty two years later, nakalimot na yata ang mga putres na ito. Mukha yatang naglabasan na ang mga halimaw,  mga tila psychopath at sociopath na nasa loob mismo ng kanilang pamamahay. 

Balikan natin ang ilang pangyayari. Noong 2018, panahon ng administrasyon ni Duterte nang kondenahin natin ang Kuwait dahil sa mga reports ng pang-aabuso, pagpatay at karahasan sa mga OFW sa Kuwait.

Kaya nagpatupad ng deployment ban at pansamantalang natigil ang pagpapadala ng mg OFW sa Kuwait. Nang taon ding iyon nagkaroon ng kasunduan ang dalawang bansa para protektahan ang karapatan at kaligtasan ng mga OFW. 

Noong 2019 muling binuksan ng gobyerno natin ang pintuan para magpadala ng mga manggagawa sa Kuwait. Tinanggal ang deployment ban. Subalit ilang reports na naman ng pang-aabuso sa ating mga kababayan ang naglalabasan. Etong huli, naulit na naman ang pagpaslang. Hindi marunong madala ang bansang ‘to. 

Kung sa Syria at Libya ay bawal magpadala ng OFWs dahil naiintindihan natin dahil maraming terorista roon. Pero sa Kuwait, nakatago ang ibang klaseng mga terorista sa loob ng kanilang pamamahay. Kaya dapat bino-boycot na ‘tong lintik na bansang ‘to.

Sa iba namang mga OFW na nasa Kuwait, kung mababait ang amo n’yo, salamat sa Diyos. Diyan muna kayo. Subalit kapag kayo’y inabuso, andito lang ang TULFO BROTHERS, lapit lang kayo at pamilya n’yo sa amin. 

Sa anumang bansa na may mga abusadong employer, dapat nilalatigo muna at pina-public execution. Siguradong titino ang mga ‘yan. At kung menor de edad ang salarin, magulang ang dapat na substitute.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with