^

PSN Opinyon

Kasuhan at ikulong ang agri smugglers  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KAILAN kaya matutuldukan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang pamamayagpag ng mga smuggler sa bansa? Mula nang manahin ni BBM ang problema ng smuggling ng agri products, wala pang smugglers na napaparusahan o na­ipapasok sa Bilibid. Walang humpay ang pananalakay ng Bureau of Customs (BoC) sa mga warehouse sa Binondo, Tondo, Navotas at Valenzuela kung saan tone-toneladang sibuyas ang nasamsam. Ang masakit, sa kabila na sanda­makmak na sibuyas ang nakumpiska ng BoC wala man lang naipakulong.

Nang humarap si Sen. Cynthia Villar sa Kapihan sa Manila Bay media forum sinabi nito na ni isa man ay wala pang nakukulong o napaparusahang smugglers. Ito ay sa kabila na kilala na ang mga smugglers. Nabubulag kaya ng limpak-limpak na salapi ng smugglers ang mga ahensiya ng pama­halaang Marcos Jr.?

Ito ang dapat pagtuunan ng pansin ni BBM dahil siya ang kalihim ng Department of Agriculture. Kailangang ikumpas na ni BBM kay DoJ secretary Jesus Crispin Remulla ang kamay na bakal para i-prosecute ang smugglers na nag­papasok ng agricultural products sa bansa.

Sayang naman ang pinagpuyatan ng mga mambabatas­ sa pag-akda ng batas kung hindi gagalaw. Sampahan na ng economic sabotage ang mga smuggler para tuluyan nang mabulok sa bilangguan. Kung patuloy na mamama­yagpag ang smugglers, maghihikahos ang Pinas. Magugutom ang madlang people at ang matitirang nakangisi ay ang mga alagad ni Satanas—ang smugglers.

Kaya sobrang pursigido si Senator Villar na amyendahan ang batas upang mapabigat pa ang parusa sa smugglers ng agricultural products.

Abangan.

vuukle comment

SMUGGLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with