^

Punto Mo

Wheelchair (33)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Habang papalapit sina Bart at dalawang kasama sa pinagtataguan nina Jong at Tito Mon, pinipigil ni Jong ang paghinga. Nagdarasal din siya na huwag silang makita ng mga ito. Kapag nakita sila, tiyak na malalantad ang katotohanan na tama ang mga sinasabi ni Bart laban sa kanya. Malalaman na siya nga ang nagtutulak ng wheelchair para mamalimos. Malalaman din siyempre ni Pam. Nakakahiya dahil pinagtatanggol pa naman siya ni Pam. At ang matindi ay kung malaman nina Bart na peke palang PWD ang nasa wheelchair na itinutulak niya. Mabubulgar ang panloloko nila na hindi naman pala lumpo o putol ang paa ni Tito Mon.

“Lumampas na sila Jong! Hindi tayo nakita!’’ bulong ni Tito Mon.

Nakahinga nang maluwag si Jong. Nagpasalamat siya sa Diyos.

“Akala ko makikita tayo, Jong.’’

Hindi nagsalita si Jong. Nag-iisip siya.

Maya-maya ay nagsalita na ito.

“Huwag muna tayong lumabas Tito. Baka bumalik ang mga iyon.’’

Mga 15 minutos sila bago lumabas. Wala na ang tatlo.

“Tiyak na wala na sila. Tayo na, Jong, uwi na tayo.’’

Umuwi na sila. Pero sa ibang daan sila nagdaan,

(Itutuloy)

vuukle comment

WHEELCHAIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with