^

Bansa

Dahil sa ‘no jab, no duty’, mga pulis nagpabakuna

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bunsod ng ipinatutupad na “no jab, no duty” policy, bumaba na ang bilang ng mga pulis na hindi bakunado.

Sa datos ng Health Service ng PNP, mula sa 1,808 na mga hindi bakunadong pulis nitong December 6, bumaba ito sa 1, 700 kahapon.

Sa mga hindi pa nagpapabakuna, 908 ang may valid reason tulad ng medical conditions, allergies, buntis at religious beliefs at 792 ang walang valid reason.

Una nang sinabi ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na mas dapat manaig sa mga pulis ang kaligtasan ng lahat at kanilang mga sarili muna sa COVID-19.

Giniit ni Carlos na sa ilalim ng bagong polisiya ay ililipat sa “low risk” na trabaho ang mga pulis.

Ibig sabihin, hindi sila ia-assign sa local police stations at bibigyan lang ng administrative work.

Dahil naman sa mga bagong bakunado, 99.25 percent na ng pwersa ng PNP ang bakunado sa sakit o 212, 545 ang fully vaccinated at 11, 347 ang nakatanggap na ng 1st dose.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with