^

PSN Showbiz

Sen. Manny pinaatras na raw; Mommy Dionisia nagparamdam na?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sen. Manny pinaatras na raw; Mommy Dionisia nagparamdam na?!
Jinkee at Mommy Dionisia.

Parang wala naman sa plano ni Sen. Manny Pacquiao na umatras sa kanyang kandidatura sa pagka-presidente.

May ilan kasing nagsasabi na may posibilidad diumanong umatras ang boxing champion sa kanyang matinding laban sa May 2022 tulad ni Sen. Bong Go.

Pero bakit pati si Mommy Dionisia ni Sen. Manny ay nagpakita na kasama ni Jinkee sa kanyang post.

Ani Jinkee : “My husband tells me that there are two beautiful women in his life. Me and You.

“How blessed we are, how fortunate we’ve been, that you are his mother, and also my best friend.”

Saka massive ang tao sa mga pinupuntahang probinsya nila Jinkee. As in makikita sa mga post nila na talagang walang nakakapigil sa pagdagsa ng mga taong gusto silang makita at naghihintay ng mga pamigay na ayuda ni Sen. Manny.

Well, wait natin.

Libreng concert dinagsa, ibang taga-showbiz anti-vaxx pa rin

Parang marami na ang gustong manood ng live concert ng libre. Dinagsa nga ang concert ng Ben & Ben sa isang mall last Saturday night.

Makikita sa mga kumalat na video na enjoy ang mga tao sa nasabing pa-concert ng mall at parang nakalimutang may virus pa rin.

Though mababa na ang new positive cases, 603 kahapon, pero baka nga hanggang sa free concert lang sabik ang mga tao dahil given na iba na ang magiging setup sa live concert. Hindi na puwede ang siksikan at tiyak na mamahal ang ticket dahil may swabbing, alcohol, at kailangang i-disinfect ang venue, etc. kaya additional cost.

Allowed na ang live concert sa Alert Level 2 pero wala pa akong naririnig na magkakaroon ng face to face concert. Lahat online pa rin ang mga nasa schedule.

At remember may new variant, ang Omicron.

Kabilang si Ogie Alcasid sa nagsabing handa na siyang sumabak sa face to face concert basta vaccinated lahat ang manonood.

Meron pa rin kasing ilang hindi naniniwala sa bakuna kabilang na ang isang showbiz female personality na miyembro ng anti-vaxx laban sa COVID-19.

Pero ang ibang member daw ng family ni showbiz personality bakunado na.

Kasama rin ang veteran actor na si Pen Medina sa naniniwalang hindi effective ang bakuna at kahit pagsusuot ng face mask. At suwerte na hindi siya nahahawa kahit sumasali sa mga rally ng mga anti-vaxx.

 

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with