^

Probinsiya

Mga sementeryo sa Nueva Ecija, 7-araw na sarado

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Mga sementeryo sa Nueva Ecija, 7-araw na sarado
Inatasan din ng NE-IATF, na pinamumunuan ni Gov. Aurelio Umali, ang 32 local government unit na binubuo ng 27-bayan at 5 lungsod na ipatupad ang 30-percent maximum-venue-capacity sa mga lugar na dadalawin ng publiko ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay, bago o pagkatapos ng nasabing ipinagbabawal na petsa.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng Nueva­ Ecija Inter-Agency Task Force (NE-IATF) na pan­samantalang isa­sara muna ang pampubliko at pribadong sementeryo, pati ang mga columbarium ng 7-araw mula October 29 hanggang November 4.

Inatasan din ng NE-IATF, na pinamumunuan ni Gov. Aurelio Umali, ang 32 local government unit na binubuo ng 27-bayan at 5 lungsod na ipatupad ang 30-percent maximum-venue-capacity sa mga lugar na dadalawin ng publiko ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay, bago o pagkatapos ng nasabing ipinagbabawal na petsa.

Ang utos ni Umali ay nakapaloob sa NE-IATF Resolution No. 7, na inaprubahan noong Agosto 1.

Nabanggit ng NE-IATF sa nasabing reso­lusyon na isang poten­tial problem kung magkakaroon ng overcrowding­ sa paggunita ng Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa, samakatuwid umano, ang pangangailangan para sa pagpapalabas ng naturang utos ay upang magsilbi na isang hakbang sa pag-iingat upang mapigilan ang pagkalat at hawahan ng COVID-19 virus.

Kinakailangan ding sundin ng bawat mag­tutungo sa mga nabanggit na lugar ang minimum public health stan­dards gaya ng pagsusuot ng face mask at physical distancing.

Iniulat na patuloy ang pagbaba ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan na dating 2,469 kaso, na ngayon ay 2,254 habang ang mga nakarekober ay umabot na sa 22,354 as of October 13.

vuukle comment

IATF

SEMENTERYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with