^

Probinsiya

5 naaresto sa illegal quarrying sa La Union

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
5 naaresto sa illegal quarrying sa La Union
Kinilala ang mga suspek na nahuli sa aktong nagsasagawa ng illegal quarrying na sina Lito Orencia, 40, pay loader operator; Sammy Laconsay, 50, backhoe operator; Irzo Mapalo, 50, barangay kagawad at operator­ dump truck; Rolly Sal­vatiera, 37, driver isa pang dump truck at Michael Orencia, 39, helper.
STAR/File

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga pulis ang limang lalaki sa aktong nag-quarrying­ sa kahabaan ng Aringay River, Tubao, La Union, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na nahuli sa aktong nagsasagawa ng illegal quarrying na sina Lito Orencia, 40, pay loader operator; Sammy Laconsay, 50, backhoe operator; Irzo Mapalo, 50, barangay kagawad at operator­ dump truck; Rolly Sal­vatiera, 37, driver isa pang dump truck at Michael Orencia, 39, helper.

Ito ay matapos na mag-isyu ang La Union provincial govern­ment ng kautusan sa pagbabawal sa illegal quarry operations sa kahabaan ng Aringay River noong September 23, 2021.

Ang illegal quarrying­ sa Tubao ay nadiskubre matapos na makatanggap ng sumbong ang provincial government tungkol sa quarrying sa nasabing ilog.

vuukle comment

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with