^

Probinsiya

Mister namatay sa piling ni ‘Magdalena’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 37-anyos na lalaki ang natagpuang patay sa loob ng isang motel sa Cebu City kamakalawa ng madaling araw.

Ayon kay Police Major Francis Renz Talosig, hepe sa Mabolo Police Station, alas-2:40 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng biktimang hindi pinangalanan sa D’ New Inn sa Barangay Carreta sa North Reclamation Area, Cebu.

Sa salaysay ng roomboy na si Jimmy Apolona, sa pulisya, bandang alas-11:40 ng gabi ng Lunes ay nag-check-in ang biktima kasama ang isang babae na nasa edad 20.

Matapos ang tatlong­ oras na ‘short time’ ay kinatok na ang silid na ino­kupa para sa checkout.

Subalit, walang su­masagot sa loob ng ku­warto kaya sapilitang­ pumasok ang roomboy at nakita na lamang nila ang biktimang walang saplot na nakahandusay at wala ng buhay.

Wala na rin ang babae na kasama nito na posibleng natakot sa pangyayari kaya’t mabilis na umalis.

Ayon sa mga otoridad na posibleng inatake sa puso ang biktima habang nasa gitna ng pakikipagtalik o hindi kaya ay uminom ito ng gamot na pampatigas.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with