^

Punto Mo

EDITORYAL - Dapat lang magbayad ang PhilHealth sa pinagkautangan

Pang-masa
EDITORYAL - Dapat lang magbayad ang PhilHealth sa pinagkautangan

BUKAS (Oktubre 26) ay magbabayad na raw ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pinagkakautangang Philippine Red Cross. Umaabot sa P930,993,000 ang kabuuuang utang ng PhilHealth sa Red Cross. Ayon sa PhilHealth, umaasa sila na kapag na-settle na nila ang pagkakautang sa Red Cross ay agad itutuloy nito ang testing ng mga swab specimen ng mga overseas Filipino workers (OFWs). Dahil sa pagtigil ng Red Cross sa pag-testing, natambak ang mga OFWs na magpapa-swab test.
Hindi pumayag si Red Cross chairman at senator Richard Gordon sa plano ng gobyerno na babayaran muna ang kalahati sa utang ng PhilHealth, para maipagpatuloy ang COVID-19 testing. Ayon kay Gordon, dapat bayaran nang buo ang pagkakautang dahil marami rin silang bayarin sa Red Cross gaya ng suweldo ng mga medical technologists. Sinabi pa ni hindi profit-oriented organization ang Red Cross. Nakadepende lamang umano ang Red Cross sa pumapasok na pera mula sa gobyerno. 
“Lubog sa utang’’ ang PhilHealth. Maaaring hindi lamang sa Red Cross sila may utang kundi sa iba pang ospital, klinika, laboratoryo at iba pang healthcare facilities at institutions.

At paano kung ganito rin ang maging pasya ng mga pinagkakautangan ng PhilHealth? Paano ang mga maliliit na manggagawang miyembro ng PhilHealth kung hindi sila ma-admit sa ospital o ma-test sa laboratoryo dahil sa pagkakautang ng tanggapan. Kawawa naman sila na umasang mapapakinabangan ang PhilHealth sa oras ng biglaang pangangailangan.

Lalong nag-umigting ngayon ang katanungan na maa-ting kaya hindi makapagbayad ang PhilHealth sa Red Cross ay dahil kinurakot na ng mga opisyal nito ang pondo.

Marami nang kinasuhang opisyal kaugnay sa korapsiyon sa PhilHealth. Pati ang nagbitiw na si dating PhilHealth Chief and CEO Ricardo Morales ay kasama rin sa pinakakasuhan. Nabisto ang korapsiyon sa PhilHealth dahil sa pagbubulgar mismo ng mga tauhan doon. May mafia sa PhilHealth at nilimas ang P15 bilyong pondo sa pamamagitan ng internal reimbursement mechanism (IRM).

Tama ang ginawa ng Red Cross na piliting pagbayarin ang PhilHealth. Dapat magmatigas para magbayad. Gumawa ng paraan ang PhilHealth para ma-settle ang kanilang mga pagkakautang. Habulin ang mga kinurakot.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with