^

Pang Movies

Bilang expert na, Ate Vi may paalala sa mga nagkakaroon ng depression

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Pinag-uusapan ang mental health sa panahong ito, at hindi nga maikakailang marami ang nagkakaroon ng depression na sinasabi nilang umpisa ng problema sa pag-iisip dahil sa napakatagal na lockdown. Nabuburyong na ang mga hindi makalabas ng bahay, nawalan ng trabaho, at lalo na iyong mga hindi na malaman ang pagkukunan ng kabuhayan.

Isa nga sa napapansin ang mga artista. Kasi uncertain sila sa kalalabasan ng kanilang career dahil sa pandemya, at marami sa kanila ang sinasabing apektado na ng depression. Pero maiiwasan nga ba ang bagay na iyan? “There was a time in my life na maski ako nagkaroon ng depression,” pagkukuwento ni Congresswoman Vilma Santos. “Iyan iyong panahong trabaho ako nang trabaho tapos nalaman ko wala pala akong pera, at baon ako sa utang sa BIR. Iyong bahay na tinitirahan ko noon, muntik nang ma-foreclose dahil sa utang sa BIR. Na-depress ako talaga. Umalis ako sa bahay, gusto kong mapag-isa. Pero na-realize ko, hindi ko maaaring takbuhan ang problema eh. Kailangan harapin ko.

`Kumilos ako. Kinausap ko si Mother Lily Monteverder at saka si Boss Vic de Rosario. Noon panahong kabi-kabila ang mga pelikula ko. Ang bayad sa akin sa pelikula, hindi ko na nahahawakan. Ibinabayad na nila ng diretso sa BIR. Ang ikinabubuhay ko na lang, iyong kinikita ko noon sa TV show ko. Until one day, nagulat ako kasi may natanggap akong tseke ng Regal. Nalaman ko na lang tapos na pala ang problema. Nabayaran na ang utang ko. Simula noon natuto na ako. Ako na ang humahawak ng pera ko. May record ang lahat ng gastos. Mas naging maayos lahat,” pagkukuwento ni Ate Vi.

“Alam mo iyang depression, hindi maiiwasan iyan, pero malalabanan. Kailangan huwag kang patalo. Labanan mo ang depression at isang araw magigising ka na lang na nagtatanong sa sarili mo kung bakit ka nga ba na-depress. Magsikap lang nang husto, at tumawag sa Diyos, iyon ang kailangan,” sabi pa ni Ate Vi, na tama naman talaga.

Aktor nadispatsa na ang mga bigay ng baklang pulitiko

Gamit ang kanyang social media account, ibi­nebenta ng isang dating male star ang isang mamahaling bisikleta. Kasing halaga na iyon ng second hand na kotse. Nauna riyan, marami na rin daw siyang naibentang mga alahas niya.

Siguro hindi naman niya nagagamit, at kailangan niya ng pera dahil wala naman siyang trabaho sa ngayon.

Kaya lang, ang tsismis, ang mamahaling bike na kanyang ibinebenta, at iyong mga alahas na naibenta na niya ay bigay sa kanya ng isang batam-batang gay politician na galing din sa isang political clan. Ano kaya ang sasabihin ng gay politician kung malalaman niyang ibinenta na ng male star ang lahat ng mga iniregalo niya roon. Papalitan pa kaya niya ng bago ang mga nasabing regalo niya?

vuukle comment

MENTAL HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with