^

Pang Movies

Alfred nanggulat sa kapayatan, Eat Bulaga hindi na marunong mataranta

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Alfred nanggulat sa kapayatan, Eat Bulaga hindi na marunong mataranta

Hindi pala fake news ang balitang pumayat na si Congressman Alfred Vargas, huh!

Natulala ang karamihan sa Eat Bulaga viewers nang si Cong. Alfred ang special guest sa Bawal Judgmental  sa live edition ng Eat Bulaga kahapon.

Lalong tumingkad ang kaguwapuhan niya dahil nabawasan talaga ang kanyang timbang at wala na ‘yung mauumbok na pisngi at malapad na katawan!

Recess na kasi sa Kongreso kaya may libre na siyang panahon sa ibang activities. Pero tuloy pa rin ang adbokasiya niya bilang kongresista ng 5th District ng Quezon City.

Kahapon din ang pilot telecast ng TV5 na noontime show produced by Brightlight Productions na Lunch Out Loud.

Simpleng episode lang ang handog ng manonood sa Bulaga hindi gaya ng Lunch Out Loud na may production number ang mainstays sa pangunguna nina Bayani Agbayani at Billy Crawford.

Para maiba naman, Pambansang Katropa ang pwedeng itawag sa mainstays ng LOL! Sanay naman ang Eat Bulaga na tinatapan kaya wala nang puwang sa mainstays, staff and crew na natataranta at kinakabahan pag may bagong katapat, huh!

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with