^

Probinsiya

Mt. Bulusan nag-alboroto, inilagay sa alert level 1

Pilipino Star Ngayon
Mt. Bulusan nag-alboroto, inilagay sa alert level 1
Ayon sa tala ng Phivolcs-Sorsogon, limang volcanic earthquakes ang naitala noong Linggo ng umaga sa paligid ng bulkan.
Taga Bikol Ako Kaya Oragon Ako FB Page

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  -- Itinaas na ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa alert leval 1 ang status ng Mt. Bulusan sa bayan ng Bulusan, Sorsogon matapos na makitaan ito ng pagtaas ng ilang parameter lalo na ang naitalang mga pagyanig sa paligid ng bulkan kamakalawa.

Ayon sa tala ng Phivolcs-Sorsogo, limang volcanic earthquakes ang naitala noong Linggo ng umaga sa paligid ng bulkan.

Simula Hulyo 3 ay nakapagtala ng 53 na bilang ng volcanic earthquakes kasama ang 43-low frequency events na sinabayan ng mahina at mababaw na hydrothermal o magmatic gas activity sa loob ng katawan ng bulkan.

Dakong alas-6 ng gabi ay itinaas na mula sa alert level zero (normal) patungo sa alert level 1 (abnormal) kung kaya agad na inalerto ang lahat at ipinagbawal ang pagpasok sa loob ng 4-kilometer permanent danger zone (PDZ) dahil sa peligro ng biglaang pagkakaroon ng steam driven o phreatic explosion.

Sa ground deformation data nakitaan ng pamamaga sa katawan ng bulkan simula noong Pebrero ngayong taon na sanhi ng pagtaas ng magma mula sa ilalim.

Naitala ang pinakahuling pagputok ng Bulusan noong Mayo 5,2017 makaraang magkaroon muna ng phreatic explosion noong 2015.

Samantala, patuloy ang ginagawang pagbabantay ng Philvolcs sa aktibidad ng Mt. Mayon sa Albay na nasa ilalim ng alert level 2. Kamakalawa ay naitala ang isang volcanic earthquake sa bulkan habang nananatiling mababa sa average level ang sulfur dioxide emission o ibinubugang asupre na umaabot lamang sa 229 tonelada bawat araw.

vuukle comment

PHILVOCS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with