^

Probinsiya

2 organizer ng NPA, 3 pa sumuko sa Quirino

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines —  Limang mi­yembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ng New People’s Army (NPA) na kinabibilangan­ ng dalawang organizer ang kusang nagbalik-loob sa pamahalaan ma­tapos sumuko sa mga awtoridad sa Nag­tipu­nan, Quirino, ayon sa ulat kahapon.

Ayon sa report sa tanggapan ni P/Brig. Ge­neral Angelito Casimiro, regional police director ng Cagayan Valley, ang mga sumukong terorista ay itinago sa mga pangalan na  alyas “Sario”, 58, at alyas “Juana Marie”, 72, kapwa organizer ng nasabing grupo kasama pa sina alyas, Sario, Dan Dan at Kidlat, pawang mga miyembro ng Kilusang Larangang Gerilya (KLG) na kumikilos sa nasasakupan ng Quirino at Nueva Vizcaya.

Isinuko ng mga rebelde ang 1-Garand rifle na may 19 na bala; 1-cal. 38 pistol na may tatlong bala; 3-rifle grenade; isang fragmentation grenade at bala ng M14 rifle.

Ayon kay Casimiro­, naging maayos ang pagsuko ng mga rebelde matapos ang mainit na pagtanggap ng pinagsanib na pwersa ng 86th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army; Nagtipunan PNP at ang Quirino Provincial Mobile Force Company (QPMFC) sa Purok­ 2, Barangay Sangbay sa bayan ng Nagtipunan dakong alas-2:00 ng hapon kamakalawa.

Iginiit naman ni Ca­simiro na mabibigyan at makakatanggap ng kaukulang tulong ang sumukong mga rebelde sa pamamagitan ng prog­rama ng gobyerno para sa mas mapayapang pa­mumuhay. 

vuukle comment

CTG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with