^

Probinsiya

Suspek sa Jang Lucero killing natimbog

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng Calabarzon Police ang isa sa anim na suspek sa brutal na pagpatay sa driver na si Jang Lucero sa Calamba City, Laguna..

Kinilala ang suspek na si Ann Sheila Montes Belarmino na nadakip nitong Biyernes.

Ayon sa pulisya, si Belarmino ay positibong itinuro ng mga saksi base sa kuha ng closed-circuit television footage. Isa siya sa mga huling pasahero ni Lucero bago natagpuang patay ang huli.

Matatandaang nadiskubreng patay si Lucero na may 52 saksak sa katawan sa loob ng kanyang sasakyan na nakaparada sa Bucal Bypass Road sa Calamba City noong Hunyo 28.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang Calamba Police upang madakip ang limang iba pa.

Sinabi ni Calabarzon chief Brig. Gen. Vicente Danao, gagawin nila ang lahat ng paraan upang madakip ang mga suspek at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Lucero.

Kasalukuyang nakakulong sa Calamba PNP si Belarmino at sasampahan ng kasong murder.

vuukle comment

JANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with