^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (99)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI inaalis ni Ziarah ang tingin kay Kat at sa lalaking kasama nito sa mesa. Sa tingin niya ay Japanese o Chinese ang lalaki. Singkit, maputi at mukhang businessman.

Ang labis na ipinagtataka ni Ziarah ay kung bakit napakasaya ni Kat. At halos ilapit na nito ang mukha sa kausap na lalaki.

Ano kaya ni Kat ang lalaki?

Siyota kaya o kaibigan?

Pero siyota niya si Jonas?

Pinagtataksilan ng babaing ito si Jonas?

Iyon ang mga katanungan sa isipan ni Ziarah.

At bistado na si Kat na nagsisinungaling dahil ang pagkakasabi kay Jonas ay nasa ibang bansa ito. Iyon daw ang sabi at kapag daw tinatawagan ni Jonas ay hindi ito sumasagot. At ngayon ay saka mabibistong narito pala sa bansa at kumakain pa sa restaurant na kinakainan nila ni Jonas.

Parang pinagtiyap ng pagkakataon. Parang itinuro na dito sila kumain para mabisto ang kasinungalingan ni Kat.

Naidasal ni Ziarah na huwag na sanang lapitan para kumprontahin ni Jonas si Kat.

Ang alam niya, nagtungo sa restroom si Jonas. Siguro ay para mag-isip ng mga sasabihin.

Ano na kaya ang ginagawa ni Jonas sa restroom?

Sana huwag nang lapitan sina Kat at kasamang lalaki.

Maya-maya nakita ni Ziarah na tumayo si Kat at ganundin ang lalaki.

Paalis na sila!

Tapos nang kumain!

Inalalayan pa ng lalaki si Kat. (Itutuloy)

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with