^

Punto Mo

Lalaki sa India, namatay sa kagat ng pukyutan habang kini-cremate ang asawa

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MARAMI ang hindi makapaniwala sa naging dahilan ng kamatayan ng isang lalaki sa India. Kinagat ito ng mga pukyutan habang ang bangkay ng asawa nito ay kini-cremate.

Isinasagawa umano ang pag-cremate sa bangkay ng asawa ni Jaam Singh Girdhan Barela, 50, ng Madhya Pradesh, India nang biglang mabulabog ang mga pukyutan at sinalakay ang mga sumasaksi sa pag-cremate.

Si Jaam na noon ay nagsasagawa ng rituals ang napagtulungan at napuruhang kagatin ng mga pukyutan na naging dahilan ng kamatayan nito. Nadala pa umano sa ospital si Jaam subalit dineklarang dead on arrival.

Ayon sa mga nakasaksi, habang isinasagawa ang pag-cremate sa asawa ni Jaam, ang usok mula sa crematorium ay napadpad sa punongkahoy na kinaroroonan ng bahay ng pukyutan.

Nabulabog ang mga pukyutan at sinalakay ang mga sumasaksi sa cremation.

Nagtakbuhan ang mga tao maliban kay Jaam na noon ay nagsasagawa ng ritwal habang sinusunog ang asawa.

 

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with