^

Pang Movies

Buong pamilya ni Sen.Manny, PUM pa rin!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Buong pamilya ni Sen.Manny, PUM pa rin!

Noong isang araw na kumalat ang diumano’y letter ng kanilang punong barangay sa isang exclusive village sa Makati City kay Senator Manny Pacquiao, tinawagan ko ang business/talent manager niyang si Arnold Vegafria.

Tinanong ko si ALV (paboritong tawag sa kanya sa showbiz) kung totoo ‘yon?

Sa una ay nagulat si ALV at sinabi ko sa kanya na may kinalaman ang sulat na ‘yon sa party na ginanap sa bahay na nirerentahan ng mga Pacquiao sa exclusive village na ‘yon kung saan ay um-attend ang nag-positive sa COVID-19 test na si Senator Koko Pimentel.

Ayon kasi sa kumalat na sulat, PUM (Person Under Monitoring) ang politician/boxer dahil nga naging viral ang video kung saan um-attend si Sen. Koko sa party sa kanilang bahay.

Para na rin sa kanilang safety ng kanyang pamilya at buong household nila, may STAY HOME order sa kanila.

Noon pang March 19 naka-quarantine si Manny at ang kanyang pamilya sa bahay nila. Hindi na siya lumalabas noon pa man!” sabi ni ALV.

Noong March 17 daw kasi ay lumabas si Manny at nag-distribute sila ng 700,000 masks na donation at noong March 18 naman ay inihatid pa nila ang mga bus na ipinahiram ng friend ng senator/boxer para masakyan ng frontliners.

Actually, noong March 19 pa, nag-self quarantine na si Manny. Hindi siya lumalabas. Noong March 23 lang, nagpunta siya ng senate dahil may session sila doon dahil din sa COVID-19. Noong March 24, 100% quarantine na siya. Hindi na siya lumalabas,” sabi ni ALV.

Habang kausap ko si ALV ay nag-check siya sa chat group nila ni Manny at nakita nga niya na mismong ang misis nito na si Jinkee Pacquiao ang nagpadala sa kanya ng kopya ng sulat kay Manny ng punong barangay ng village na tinitirhan ng pamilya Pacquiao. Heto na, si Jinkee na ang nagpadala.Totoo nga, may sulat silang natanggap sa punong barangay. Pero naka-quarantine naman sila noon pang March 24!” pagko-confirm pa ni ALV.

Umuupa lang sina Manny sa bahay na ‘yon sa nasabing village dahil ang bahay nila sa North Forbes Park ay kasalukuyan nilang pinare-renovate.

Nabanggit din ni ALV na nakapag-COVID-19 test na si Manny last week at nag-negative raw ‘yon. Hindi lang sure ang talent manager kung kailangang umulit ni Manny ng COVID-19 test.

Aktor ayaw nang mag-artista!

Matagal-tagal na ring nasa ibang bansa ang isang aktor ng isang top TV network.

Matagal-tagal na rin siyang walang project sa kanyang TV network.

Babalik pa ba siya ng Philippines para ipagpatuloy ang kanyang showbiz career? Not as an industry actor,”  sagot niya sa akin.

Sabi pa niya, “The business sphere as it stands is an unsustainable environment for actors/creatives.”

Sino si aktor? Clue: Parang identification na ipinapakita ang initials ng kanyang pangalan.

Gets n’yo? ‘Yun na!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with