^

Pang Movies

Angel nakatipid sa pinatayong mga isolated tent

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Angel nakatipid sa pinatayong mga isolated tent

Dinetalye ni Angel Locsin ang ginastos sa donasyong isolated tent mula perang natanggap niya.

Sa post sa kanyang Instagram, nakapag-set up sila ng grupo niya ng tents para sa apat na hospitals. Kasama nito ang expenses sa tents na P371,500 kasama ang gastos sa pagkain, tips at iba pa.

Nakatipid sila dahil ang projected expenses sa apat na tents ay P1M at nakamura sila.

Nasa IG ni Gel ang pictures ng tents pati ang gasos na itinayo nila sa RITM (Research Institute for Tropical Medicine (Muntinlupa); Las Pinas Doctors Hospital; Las Pinas City Medical Center at South City Hospital and Medical Center.

“Taas kamay!” komento ni Angelica Panganiban.

Kasama ni Angel sa pagtulong ang fiancée niyang si Neil Arce na tinatawag niyang “my rock.”

Nitong nakaraang mga araw,  nagkaroon ng problema ang account ni Angel sa PayPal. Pero hindi ito naging rasong para hindi niya ipagpatuloy ang pagtayo ng hospital tents para sa apektado ng COVID-19.

Naayos din naman agad ito at tinanggal na ang limitation na inilagay account niya.

Non-stop talaga sa pagtulong si Angel, huh!

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with