^

Bansa

OFWs sa South Korea ililikas - DOLE

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
OFWs sa South Korea ililikas - DOLE
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, patuloy ang kanilang monitoring sa mga Filipino at sitwasyon sa SoKor kung saan tumataas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 doon.
AFP/Nicolas Asfouri/File

Kapag lumala ang sitwasyon

MANILA, Philippines — Handa ang Department of Labor and Employment na ilikas ang mga overseas Filipino workers sakaling lumala ang sitwasyon sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa South Korea 

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, patuloy ang kanilang monitoring sa mga Filipino at sitwasyon sa SoKor kung saan tumataas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 doon.

Ani Bello, bagamat wala pang report na may apektadong OFWs sa SoKor, kailangan pa rin ang close monitoring at pag-iingat.

Paliwanag ni Bello, wala pang humihiling ng repatriation sa Sokor kaya wala pang plano ang gobyerno para pauwiin ang mga OFWs.

Sa kabila nito, pinayuhan ni Bello ang mga manggagawang Pinoy sa nasabing bansa na makipag-ugnayan sa pamahalaan o embahada ng SoKor hangga’t may banta ng CO­VID-19.

Pinaalalahanan din ng kalihim ang mga OFWs na sumunod sa mga paalala upang makaiwas sa naturang virus.

vuukle comment

OFW

SOUTH KOREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with