^

Bansa

Liver transplant sa biliary atresia sa Pinas na gagawin - Sen. Go

Pilipino Star Ngayon
Liver transplant sa biliary atresia sa Pinas na gagawin - Sen. Go
Ayon kay Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, nilagdaan ang isang memorandum of agreement (MOA) nitong Miyer­kules upang sa Pilipinas na maisagawa ang napakaselang pediatric liver transplantations.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi na kailangang magtungo pa sa ibang bansa at gumastos nang napakalaki ang mga batang isasailalim sa liver transplant dahil maaari na silang ma­operahan dito sa bansa.

Ayon kay Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, nilagdaan ang isang memorandum of agreement (MOA) nitong Miyer­kules upang sa Pilipinas na maisagawa ang napakaselang pediatric liver transplantations.

Sa ilalim ng MOA sa pagitan ng Department of Health (DOH), Philippine Children’s Medical Center at The Medical City, ang government hospital ang tutukoy ng kuwalipikadong pas­yente, ang pribadong ospital ang magsasagawa ng transplants at ang DOH ang magre-reimburse ng mga gastos sa pamamagitan ng PCMC.

Sinabi ni Go, chairman ng Senate committee on health, nagdesis­yon si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-develop ng liver transplantations sa bansa dahil sa kanilang naging karanasan sa pagtulong sa mga batang may b­iliary atresia.

Ang biliary atresia ay liver disease na karaniwang nangangailangan ng transplant upang mabuhay ang pasyente. Ilang batang may naturang sakit na ang ipinadala nina Pangulong Duterte at ni Sen. Go sa ibang bansa, partikular sa India, para sumailalim sa transplants.

Aniya, ang kasunduan ay short-term solution pa lamang sa luma­laking bilang ng kaso ng mga kabataang Pinoy na may biliary atresia. 

Ang long-term solution ay gawing dekalidad at may kakayahan ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa pamamagitan ng pagbili ng mga kakailanganing kagamitan, isaayos ang pasilidad nito at ipadala ang mga espesyalista sa Taiwan para i-train sa Kaohsiung Chang-Gung Memorial Hospital (KCGMH).

vuukle comment

LIVER TRANSPLANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with