^

Metro

100 senior citizens ng Pasay na-hire bilang ‘airport ushers’

Danilo Garcia, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
100 senior citizens ng Pasay na-hire bilang �airport ushers�
Lumagda sa kasunduang mabigyan ng pansamantalang trabaho ang may 100 seniors sa Pasay sina (mula kaliwa) Ang Probinsyano Partylist Ronnie Ong, DOLE Secretary Silvestre Bello, MIAA General Manager Eddie Monreal at Pasay City Mayor Emi Calixto- Rubiano.

MANILA, Philippines – Isandaang senior citizens (SCs) ng Pasay City ang na-hire bilang “temporary airport ushers” sa pamamagitan ng isang kasunduan ng Pasay local government unit, Manila International Airport Authority (MIAA), Ang Probinsyano Partylist at Department of Labor and Employment (DoLE).

Ang kasunduan ay nilagdaan kamakalawa  nina Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, DOLE Secretary Silvestre Bello III, Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong at MIAA General Manager Eddie Monreal sa seremonyas na ginanap sa MIAA office. Kasama ni Mayor Emi Calixto-Rubiano sa okasyon si Pasay Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) president Normita Castillo.

Ang mga senior citizen ay magtatrabaho sa airport ng tatlong oras sa umaga at tatlong oras din sa hapon sa loob ng 15 araw kung saan ay igigiya nila ang mga pasahero sa kani-kanilang upuan at sa mga opisina na kailangan nilang puntahan. Itinutu­ring ang mga ito na hindi mabigat na gawain para sa seniors.

Bawat isa sa kanila ay tatanggap ng sahod na katumbas ng P537 kada araw. Ang mga ito ay nasa edad 60 hanggang early 70s, na napili base sa kanilang kalusugan at kakayanan pang magtrabaho.

Ayon kay Mayor Rubiano, “Sa pamamagitan ng programang ito ay mabibigyan natin ng pagkakataon ang ating mga senior citizens na ma-maximize pa rin ang kanilang productivity, makihalubilo muli sa isang work environment kasama ang ibang tao at makapag-provide pa rin sa kani-kanilang pamilya sa pamamagitan ng tatanggapin nilang suweldo sa programang ito.”

Ang naturang “senior citizens temporary employment project” sa airport ay isang inisyatibong mula sa pakikipagtulungan sa tanggapan ni Rep. Ronnie Ong ng Ang Probinsyano partylist.

vuukle comment

SENIOR CITIZENS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with