3 dayuhan kinasuhan sa kidnapping ng Taiwanese
MANILA,Philippines — Sinampahan na ng kasong kriminal ng PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang tatlong dayuhan na sangkot sa pagdukot sa isang Taiwanese na empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Makati City, ayon sa opisyal kahapon.
Kinilala ni PNP-AKG Director Colonel Jonnel Estomo ang mga sinampahan ng kaso na sina Rong Jiawei, 24; Yang Lei, 37 at Malaysian Tang Chan Hong, 40.
Ayon kay Estomo, ang mga dayuhang suspect ay ipinagharap ng kaso sa Department of Justice.
Sinabi ni Estomo na ang mga suspect ay akusado sa pagdukot sa biktimang si Chang Hsu-Chun, 29, Taiwanese national na kinidnap sa Milano Residentes sa Brgy. Poblacion sa lungsod ng Makati noong Oktubre 16 ng taong ito.
Samantalang ang biktima ay nasagip naman sa follow-up operation ng mga awtoridad sa Berjaya Hotel sa Brgy. Poblacion, Makati City bandang alas-10:20 ng gabi noong Biyernes.
Nagawa namang makahingi ng mga kidnappers ng P30,000 RMB bilang ransom kapalit ng kanyang kalayaan at pinadalhan rin ng video ang pamilya ha-bang ginugulpe ang biktima.
Humingi naman ng tulong sa mga awtoridad sa Taiwan ang pamilya ng biktima na ipinaabot ito sa mga operatiba ng PNP-AKG.
Nagsagawa naman ng follow-up operation ang mga elemento ng PNP-AKG na nagresulta sa pagkakaligtas sa biktima.
- Latest