^

Metro

BI dapat na makipag-ugnayan sa interpol para sa ikadarakip ng ‘drug queen’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
BI dapat na makipag-ugnayan sa interpol para sa ikadarakip ng �drug queen�
Ani Moreno, dapat na ipursige ng mga awtoridad ang pagdakip kay Castro na may tatlong standing warrant of arrest at kanselado ang pasaporte kaya’t maaari na itong dakpin.
File

MANILA,Philippines — Naniniwala si Manila Mayor Isko Moreno na dapat nang makipag-ugnayan ang mga awtoridad sa interpol sa Amerika para madakip ang tinaguriang ‘drug queen’ na si Guia Castro.

Sa panayam kay Moreno, sinabi nito na may karapatan na ang Bureau of Immigration, Manila Police District at Philippine Drug Enforcement Agency na ares­tuhin si Castro na ngayon ay  sinasabing nasa Amerika.

Ani Moreno, dapat na ipursige ng mga awtoridad ang pagdakip kay Castro na may tatlong standing warrant of arrest at kanselado ang pasaporte  kaya’t maaari na itong dakpin.

Sinabi ni Moreno na da­pat na ipaliwanag ni Castro ang mga paratang sa kanya. Marami umano itong dapat na linawing isyu tungkol sa droga.

Gayunman nilinaw ni Mo­reno na bukas pa rin ang kanyang tanggapan sakaling naisin ni Castro na sumuko.

Ayon kay Moreno, taga- Maynila si Castro at dating barangay chairman kaya’t ibinibigay pa rin nila ang respeto dito.

Samantala, sinabi naman ni outgoing MPD Director Vicente Danao na hindi maaaring basta na lamang magbigay ng sertipikasyon na drug free ang barangay kung may nana­natili pang user o pusher.

Ani Danao, dumadaan sa masusing evaluation ang pagbibigay ng drug free certification kaya’t hanggang ngayon ay umaabot pa lamang sa 37 ang kanilang naiisyuhan mula sa 896 barangays sa Maynila.

 

vuukle comment

DRUG QUEEN

GUIA GOMEZ CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with