^

PSN Palaro

Phl 5, China ubusan ng lakas

Mae Balbuena - Pilipino Star Ngayon
Phl 5, China ubusan ng lakas
“China is the overwhelming favorite,” pahayag ni Guiao ukol sa kalabang palalakasin nina Zhou Qi ng Houston R­ockets at Ding Yanyuhang ng Dallas Mave­ricks. “If we can solve the size problem, lalaban tayo hanggang huli.

JAKARTA-- Hindi magiging madali ngunit may nakikitang pag-asa si national coach  Yeng Guiao sa pagharap ngayon ng Phl Cagers sa basketball powerhouse na China sa alas-4 ng hapon (alas-5 Manila time) dahil kay Fil-Am Cleveland Cavalier Jordan Clarkson.

“China is the overwhelming favorite,” pahayag ni Guiao ukol sa kalabang palalakasin nina Zhou Qi ng Houston R­ockets at  Ding Yanyuhang ng Dallas Mave­ricks. “If we can solve the size problem, lalaban tayo hanggang huli.

Malaking tulong si Clarkson para sa koponang binubuo ng anim na core players ng Rain or Shine ngunit ayon kay Guiao, hindi kailangang iasa ng husto ang scoring kay Clarkson na nakitang magaling pumasa at may kakayahan ding dumepensa para masundan ang 96-59 panalo ng Phl Ca­gers kontra sa Kazakhstan noong Huwebes.

“He does not have to score points for us to win, all he need to do is to make others around him to look good,” ani Guiao. “Kasi  ti­ngin ko he can break down the defense at will. We want to run our plays still knowing that in the last six-seven seconds that you can always look for him and he can be able to bail you out.”

Ang panalo ng Natio­nals ang magpopormalisa ng kanilang pagpasok sa quarterfinals kung saan posibleng ang malakas ding Korea ang kanilang makakalaban. a

vuukle comment

PHL CAGERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with