^

PM Sports

Gilas 23 for 23 masusukatan

Pang-masa

MANILA, Philippines – Masusukat ngayon ang Gilas Pilipinas 23 for 23 World Cup pool sa unang salang nila kontra sa biga-ting Ateneo Blue Eagles sa pagsisimula ng 2018 Filoil Flying V Pre-season Premier Cup sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Nakatakda ang sagupaan sa ganap na alas-6:30 ng gabi kung saan ipaparada ng Gilas ang 18 sa pinakamagagaling na kabataang manlalaro ngayon kontra sa hindi pasisiil na kampeon ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na Blue Eagles.

Pangungunahan nina CJ Perez, Kobe Paras, Ro-bert Bolick, Kai Sotto at Ricci Rivero ang Gilas Pilipinas cadets na inihayag kamakalawa at gagabayan ng batikang coach na si Jong Uichico.

Dahil sa binubuo ng top collegiate players nga-yon, pinapaboran ang Gilas na mapagharian ang buong torneo na katatatampukan din ng 18 magigilas na unibersidad mula sa UAAP at sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Ngunit hindi iyon ang misyon ng Gilas.

Higit sa titulo ay nais nilang makabuo ng chemistry at experience lalo’t sila ang nakatakdang magdala ng bandila ng Pilipinas sa 2023 International Basketball Federation (FIBA) World Cup na dito gaganapin sa bansa.

Kasama rin sa koponan sina Abu Tratter, J-Jay Alejandro, Jeo Ambohot, Arvin Tolentino, Javee Mocon, Paul Desiderio, Juan Gomez De Liaño, Will Gozum, Vince Tolentino, Carl Tamayo, Ken Tuffin at Prince Rivero gayundin ang Filipino-American na si Troy Rike ng Wake Forest University.

Hindi naman basta-bastang padadaig ang hari ng UAAP na tatrangkuhan nina Thirdy Ravena, Matt Nieto at Isaac Go. Gagabayan sila ni head coach Tab Baldwin.

Bahagi sana sina Ravena, Go at Nieto ng Gilas na koponan ngunit ipinaalam muna ng Ateneo na magla-laro sa kanilang mother school upang makapaghanda rin para sa pagdepensa nila ng titulo sa UAAP. (AD)

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with