^

Metro

Mayorya ng Metro Manila mayors, nais manatili ang GCQ

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mayorya ng Metro Manila mayors, nais manatili ang GCQ
Ito ang inihayag ni Metro Manila Council chairman at Parañaque City mayor Edwin Olivarez.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Mayorya ng Metro Manila mayor ang nais na manatili sa general community quarantine (GCQ) ang Kalakhang Maynila.

Ito ang inihayag ni Metro Manila Council chairman at Parañaque City mayor Edwin Olivarez.

Ayon sa kanya, ipinara­ting na nila sa regional director ng DILG ang rekomendasyon ng mga Metro mayors.

“The consensus of the mayors are, most mayors want an extended GCQ,” ayon kay Olivarez.

Ipinaliwanag pa nito na naiintidihan niya ang kahalagahan ng ekonomiya habang kasabay naman nito ang pag-aksyon para malabanan ang pagkalat ng COVID-19.

“We know how hard it is for the public, but we could not prejudice the health protocols [set by the government] to fight off COVID-19,” pahayag pa ng mayor.

Kasabay naman nito, iginiit dn ng mga local chief executives ang masa maraming localized lockdowns, na nakikitang ipinatutupad na rin ng mga alkalde sa mga nakalipas na araw.

Magkagayunman umano ang huling desisyon ay nasa Pangulong Duterte.

Habang sinusulat ang report na ito, walang pahayag ang Pangulong Duterte tungkol sa magiging quarantine status sa Metro Manila at iba pang lugar ngayong Agosto.

vuukle comment

GCQ

METRO MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with