^

PSN Opinyon

Presyo ng bilihin, bumababa na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Unti-unti ng makakapagluwag ng sinturon ang mga ordinaryong Pinoy dahil sa patuloy na pagbaba ng inflation rate sa ating bansa. Inanunsiyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang inflation rate sa bansa nitong Mayo ay nasa 6.1 percent at siyempre naman ikinagalak ni Pre­sident Bongbong Marcos ang magandang balita na ito.

Ayon kay BBM “encouraging” ang balitang pagbaba ng inflation rate sa ikaapat na magkakasunod na buwan at kasabay pa nito ay ang tumataas na bilang ng mga Pinoy na may trabaho. E di Wow. Hehehe!

Sana tuluy-tuloy na ang pagganda ng ekonomiya ng Pinas para makahinga ng maluwag ang mga Pinoy. Mismooooo!

“And so, it would seem that we have started off in the right direction, on the right foot. Tama naman yata ang ating ginawang mga polisiya para buhayin ulit at gawing masigla ulit ang ating ekonomiya,” sabi ni BBM. May punto si BBM, no mga kosa?

Kung sabagay, matagal nang inirereklamo ng mga ordi­nar­yong Pinoy ang napakataas na bilihin, ngunit sa nga­yon­ ay mukhang makakaramdam na tayo ng ginhawa. Maka­­kabili na ng masustansyang pagkain at hindi na magugutom ang karamihan sa ating kababayan, di ba mga kosa? Mismooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Matatandaan na sa mga unang buwan ni BBM sa pu­­westo, nagtaasang sobra ang presyo ng mga pagkain sa palengke, tulad ng asukal, itlog, sili at sibuyas na umabot pa ng P600 kada kilo. Sabi nga nila hindi ka pa nagbabalat at presyo pa lang ng sibuyas ay maiiyak ka na talaga. Ngunit mukhang nakalipas na ang panahon ng pagluha sa mga bilihin. Get’s n’yo mga kosa? Eh di wow!

Base sa datos ng PSA, ang pagbaba ng presyo ng pa­ngunahing bilihin tulad ng mga pagkain at pamasahe ang naghatak pababa sa inflation rate. Ito ay inaasahang makakapagpagaan sa buhay ng mga mahihirap. Ano pa nga ba! Ipinagmalaki ni BBM na isa na siguro sa pinakamaganda sa buong mundo ang kasalukuyang growth rate ng bansa. “ So, lumalaki nang lumalaki at sumisigla ang ating ekonomiya,” aniya. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Dahil sa patuloy na pagbuti ng ating ekonomiya, ipagpapatuloy na lamang daw ng kanyang administration ang kasalukuyang mga ginagawa. Natural, dahil kapag binago pa baka sumemplang pa at bumalik pa ang mataas na bilihin, eh mapulaan pa s’ya. Tumpak!

Nagagalak si BBM na matutupad ang pangako niyang maibalik muli ang Pilpinas sa magandang sitwsyon ng ekonomiya. Ayosssss! Hehehe! Tiyak matutuwa ang 31 milyong Pinoy na bumoto kay BBM dahil umaangat ang ating ekonomiya. Mismooooo! Get’s n’yo mga kosa?

Mula nang maupong presidente halos isang taon na ang nakalilipas, mahigpit na isinulong ni BBM ang makabagong teknolohiya at digital transformation ng bansa. Kasabay nito ang mga pagpasa ng mga batas na makakaakit sa mga investors na magbukas ng negosyo sa Pilipinas. Nasa tamang landas lang si BBM, di ba mga kosa? Ano pa nga ba!  Abangan!

vuukle comment

PSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with