^

PSN Opinyon

Gen. Acorda, ipaaresto mo si alyas ‘Echo’!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

SINO si codename “Echo”? Ang mga may lakad lang na illegal sa Calabarzon area ang maaring nakakilala kay alyas Echo. Putok kasi sa usapan na dito kay Echo nire-remit ang mga parating para sa opisyal ng Calabarzon police. Dapat alamin ni PRO4A director Brig. Gen. Carlito Gaces kung sino itong si Echo at baka aabutin s’ya ng katakut-takot na bukol. Hehehe! Bumili na lang ng matibay na helmet si Gaces para maiwasan n’ya ang malalaking bukol, di mga kosa? Ano pa nga ba!

Para sa kaalaman ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr., pinapaikutan lang ni Echo ang “no take policy” niya sa illegal gambling. Dapat sigurong utusan ni Acorda si Brig. Gen. Warren de Leon ng Integrated Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na aktuhan si Echo habang nagdi-deliber ng weekly payola sa loob ng Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna. Araguuyyyyy!

Itong taga-IMEG ay nakahuli ng mga pulis sa Angeles City sa kasong extortion kaya kapag natiklo nila si Echo ay may dagdag accomplishment pa sila. Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan. Mismooooo! Kaila­ngan pa bang i-memorize ‘yan?

Si Echo, ayon sa mga kosa ko, ay isang pulitiko. Dati siyang mayor ng isang bayan sa Laguna. Hehehe! Get’s n’yo na mga kosa kung sino siya? Hindi lang malaman ng mga kosa ko kung ano ang relasyon ni Echo sa mata­taas na opisyales ng Calabarzon police. Subalit ang maliwanag ay may tiwala sa kanya ang mga ito dahil ginawa siyang tapunan ng lingguhang intelihensiya?

Ang inisyal ni Echo ay E.R. pero hindi as in emergency room ha? Eh di wow! O hayan! Hindi na mahihirapan ang mga taga-IMEG na hulihin si Echo, di ba mga kosa? Hehehe! Weder-weder lang ‘yan!

Hindi naman pinapansin ng Calabarzon police ang “no take policy” ni Acorda dahil nagbukasan na muli ang peryahan ni Aleng Tessie sa Batangas at sa Taytay, Rizal­. Hehehe! Matatandaan na binili ni Aleng Tessie ang weekly payola ng peryahan sa Calabarzon sa tulong ni alyas Billy Joe, na isang police major sa Cavite.

Kaya tinaasan ni Aleng Tessie ang weekly intelihensiya ng mga kapwa niya peryante na nasuya sa kanya. Hindi naman maipasara ng Calabarzon police ang peryahan ni Aleng Tessie dahil hindi nila maabot ang P6 milyon weekly nilang kokolektahing tong. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe!

Teka nga pala, iniimbitahan ko si Billy Joe sa aking bahay para magkape muna kami. Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa totoo lang, hayahay naman ang takbo ng sugal lupa sa Calabarzon area kaya tiyak bababa pa lalo ang taya sa mga palaro ni Mel Robles, ang General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Hehehe! Ang ibig sabihin kokonti ding mga Pinoy na may sakit ang matutulungan ng PCSO pag sa gayon. Abangan!

vuukle comment

CALABARZON

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with