^

PSN Opinyon

E-sabong, nagkabalikan na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

BAGO pa magbukas ang Sabong Legend Cup (SLC), may mga nag-ooperate na palang e-sabong sa bansa. Tsk tsk tsk! Wala nang respeto kay President Bongbong Marcos itong e-sabong operators, at hayagan na nilang tinatapakan ang Executive Order 9 na inisyu para ipasara ang naturang sugal. Malaki kasi ang grasya!

Kung wala pang kautusan si BBM na ipagpatuloy ang e-sabong, kanino kaya kumukuha ng lakas itong mga ope-rators para magbukas? Hehehe! Your guess is as good as mine, mga kosa? Dipugaaaaa! Weder-weder lang ‘yan!

Ang isang e-sabong na hindi naman tumigil ay itong Sabong World, ayon sa mga kosa ko. Kaya lang, gerilya ang operations nitong Sabong World dahil pasulpot-sulpot lang ang site nito sa mga gadgets.”Yung Sabong World palaging nawawala ang site n’yan tapos balik na naman,” anang kosa kong sabong afficionado.

Kuwidaw ka at umaabot na umano sa P900 milyon ang kita nito sa isang buwan. Eh di wow! Hehehe! Hindi pa kilala kung sino ang nasa likod nitong Sabong World, subalit usap-usapan na ang operation nito. Mismooooo!

Sa Negros Occidental naman, hindi rin natitinag ang operation ng e-sabong ng isang alyas Alby. Ang studio ni Alby ay matatagpuan sa Bacolod City, anang mga kosa ko. Ang nagpapatakbo nitong e-sabong ni Alby ay si alyas Kim. Ano ba ‘yan? Magkadikit lang itong Negros Occidental at Negros Oriental kung saan ang e-sabong ni Rep. Arnie Teves ay naipasara ni Interior Sec. Benhur Abalos. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa parte naman ng SLC, hahatiin sa red at blue team ang kanilang miyembro at magkaroon ng tatlong laban ang mga ito sa loob ng isang linggo. Eh di wow! Ang araw ng Lunes ay magsisilbing house fight. Walang pot money kada sultada subalit ang pusta kada laban ay P20,000. At matic na ang opis ng SLC na ang tataya kada laban. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang unang napagkasunduan ng SLC members ay magkaroon ng P1 milyon share kada miembro subalit ibinaba ito sa P500,000 para magkaroon pa sila ng panggastos sa kani-kanilang farm. Kaya lang, ang mga miembro ay inuobliga na mag-isyu ng postdated check sa SLC para hindi sila mahirapang maningil sa mga hindi makabayad ng parada. O hayan! Wala ng sagabal dito sa operations ng SLC, di ba mga kosa? Mismooooo!

Ang bawat miyembro ay puedeng magparehistro ng lima katao, kasama ang mananari, na maaring pumasok sa studio ng SLC sa San Rafael, Bulacan. Subalit sa araw ng laban, tatlo lang ang papayagan per entry. Ang driver ay mananatili na lang sa waiting compound. Tsk tsk tsk Sobrang strict si boss Cholo ah! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kapag gumanda naman ang laban sa kanilang studio sa Bulacan, ibinando pa ng SLC na puwedeng gamitin din nila sa kinalaunan ang kanilang studio sa South. Hehehe! Saan kaya ‘yon at mapuntahan.

Teka nga pala! Sino si John Bayli Lee? Abangan!

vuukle comment

E-SABONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with