^

PSN Opinyon

Mga dapat gawin kapag mahapdi ang sikmura

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Lahat tayo ay nakararamdam ng paghapdi ng sikmura. Kapag nalipasan tayo ng gutom o na-stress sa trabaho, parang kumukulo ang ating tiyan. Naglalabas kasi ng sobrang acid kaya humahapdi ang sikmura. Ang tawag dito ay gastritis o hyperacidity at kung lumala ay puwedeng maging ulcer. 

Hindi lang gamot ang solusyon sa paghapdi ng sikmura. Sa aking pananaw, mas maigi ang pagkain ng wasto:

1. Kumain ng pakonti-konti pero madalas sa isang araw.

Halimbawa, kumain ng 7:00 ng umaga. Magsaging ng 10:00 a.m. Mag-lunch ng kaunti lang. Magmeryenda ng tinapay ng 4:00 ng hapon. Mag-dinner ng 7:00 ng gabi. Kahit busy ka sa trabaho, huwag kalimutang kumain sa oras. Ingatan ang tiyan.

2. Saging at tinapay ang lunas.

Napaka-healthy ng saging. Bukod sa madaling baunin at kainin, ang saging ay parang gamot na rin dahil natatapalan nito ang ating sikmura. Ang pandesal din ay maayos sa sikmura at nakakabusog pa. Araw-araw, saging at pandesal ang baon ko kapag maingay ang sikmura ko.

3. Uminom ng tubig pakonti-konti.

Malaki ang naitutulong ng pag-inom ng tubig sa pag­linis ng acid sa tiyan. Ang tamang pag-inom ay ang paglagok ng konting tubig bawat 20 minutos. Sa ganitong paraan, mahuhugasan at malilinis ang acid sa tiyan.

4. Umiwas sa pagkaing nakakahapdi ng tiyan. Umiwas sa maasim at maanghang (spicy).

May mga pagkaing sadyang nakahahapdi ng tiyan. Umiwas sa mga sobrang spicy na pagkain. Ang sili, kalamansi, suka, sinigang na sobrang asim at pineapple juice na puro ay puwedeng magdulot ng paghapdi ng sikmura. Ang sobrang lamig na inumin ay nakakairita rin ng tiyan.

Sa aking palagay, hindi na kailangan ng gamot sa ordi­naryong paghapdi ng sikmura. Kumain na lang ng mga pagkaing ikaka-relax ng ating tiyan, tulad ng saging, tinapay, kanin, lugaw at gulay. At mag-relax din kaibigan habang kumakain para hindi ma-stress ang ating katawan.

vuukle comment

DR. WILLIE ONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with