^

PSN Opinyon

Mga dapat gawin kung masakit ang likod,

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang sakit sa likod at balakang ay nararamdaman ng halos lahat ng tao. Nag-uumpisa ito ng edad 40 pataas.

Kung sobra sa timbang, may problema sa likod tulad ng Scoliosis, o hindi nag-e-ehersisyo, mas maaga itong mararamdaman.

Bakit sumasakit ang likod?

Ang kadalasang dahilan ng pagsakit sa likod ay ang muscle strain o sprain, o yung sakit ng kalamnan. Para bang napilay ang likod.

Ang sanhi nito ay ang pagkapuwersa sa masel sa likod dahil sa: (1) maling posisyon sa pagtulog; (2) maling pag-upo o nakakuba; (3) nakayuko kung magbuhat o nagbuhat ng sobrang bigat; (4) sobra sa timbang; at (5) pagkaedad.

Ano ang dapat gawin?

1. Kung sobra sa timbang, kailangang magpapayat. Hindi kaya ng likod ang bigat ng tiyan.

2. Mag-ehersisyo. Napakahalaga ng ehersisyo sa katawan.

3. Palakasin ang masel sa likod. Mag-ehersisyo ng katamtaman lang. Puwedeng gumamit ng mga kaunting pabigat (weights). Kapag lumakas ang masel ng katawan, hindi na sasakit ang likod. Maganda ding pampalakas ng likod ang swimming.

4. Huwag magbuhat ng mabibigat. Kung mayroon kang bubuhatin, magpatulong sa isang kasama para kalahati lang ang bigat. Mag-squat at gamitin ang lakas ng hita para maiangat ang dinadala. Panatilihing deretso ang likod. Huwag yumuko para magbuhat. Mali iyan!

5. Umupo nang deretso ang likod. Maglagay ng suporta o maliit na unan sa upuan para laging naka-straight ang likod.

6. Huwag maglakad o umupo nang matagal. Mapapagod ang likod kapag nakapirmi sa isang puwesto. Ang pinakamaganda sa likod ay ang paghiga sa kama.

7. Pumili ng katamtamang kutson na tulugan. Huwag ‘yung sobrang lambot na lumulundo ang likod. At huwag ding matulog sa papag dahil sobrang tigas nito.

8. Matulog nang naka-“s” ang katawan. Humiga nang patihaya. Mag-unan para may suporta sa ulo at leeg. Maglagay pa ng isang maliit na unan sa ilalim ng tuhod para nakaangat ito. Mas komportable sa likod ang nakabaluktot ang tuhod.

9. Kung nakatagilid kang matulog, maglagay ng unan sa pagitan ng iyong hita. Kapag wala kasing dantayan, puwedeng bumaluktot masyado ang hita at mapuwersa ang likod.

10. Puwedeng lagyan ng medyo mainit na bagay o warm compress sa likod.

11. Huwag hilutin o padaganan ang likod. Baka lalo pang mapilay ito.

12. Kapag hindi nawala ang sakit ng likod sa loob ng dalawang linggo, kumunsulta sa isang orthopedic surgeon o rheumatologist.

vuukle comment

SAKIT SA LIKOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with