^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi nawala sa translation

Pilipino Star Ngayon

Ipatatawag umano ni President Ferdinand Marcos Jr. si Chinese ambassador to the Philippines kaugnay sa ginawa nitong pagbabanta noong nakaraang linggo na madadamay ang overseas Filipino workers sa Taiwan kapag nanghimasok ang Pilipinas sa independence ng Taiwan. Ayon kay Huang, hindi dapat makialam ang Pilipinas para maprotektahan ang OFWs sa Taiwan.

Ang pagbabanta ni Huang ay hindi nagustuhan nang nakaraming Pinoy. Hindi raw maganda ang tabas ng dila ni Huang na wala nang control at hindi na nag-iisip sa mga sinasabi. Sa galit ni Sen. Riza Hontiveros, sinabi nito na dapat hilingin ng pamahalaan sa Beijing na pauwiin na si Huang dahil sa pagbabanta nito sa Pilipinas. Dapat daw palitan si Huang.

Sinabi naman ni President Marcos Jr. na maa­aring nawala lang sa translation si Huang. Posibleng nawala raw dahil hindi naman English ang mother language ng Chinese envoy. Interesado raw ang Presidente na malaman mismo kay Huang kung ano ang ibig sabihin ng kanyang pahayag. Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Huang kung kailan ito magtutungo sa Malacañang para magpaliwanag kay Marcos.

Malamang na sabihin ni Huang kay Marcos na nagkamali nga siya o nawala sa translation pero ang totoo, yun talaga ang gusto niyang sabihin na huwag makialam ang Pilipinas sa Taiwan independence. Kinakabahan kasi ang China sapagkat sa kasalukuyan, ginagawa ang Balikatan Exercise sa pagitan ng U.S. at Pilipinas. Buko dito, naglagay pa nang maraming EDCA sites na ang iba ay nasa Palawan na malapit lang sa pinag-aagawang teritoryo. Walang pagkakamali si Huang sa kanyang pahayag. Malinaw na malinaw ang mensahe niya.

Deretsahin na ng presidente ang Chinese ambassador ukol sa komento nito. Mas mabuting malaman ni Huang na hindi nagugustuhan ng mamamayang Pilipino ang kanyang mga pahayag na may himig pagbabanta. Kung nagagawa niyang magbanta, puwede ring magpakita ng “pangil” ang Pilipinas sa mga iresponsableng magbitiw ng pahayag. Puwedeng kumagat ang nananahimik. Ito ang dapat ipaalam sa Chinese ambassador.

vuukle comment

OFWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with