^

PSN Opinyon

Kabastusan ng mga puting unggoy

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Hindi ko alam kung saan kumukuha ng tibay ng sikmura at laman loob itong International Criminal Court (ICC).

Nagmamatigas. Patuloy pa rin ang pambabastos at pangingialam sa soberanya ng Pilipinas.

Hindi nirerespeto ang umiiral na criminal justice system sa ating bansa. Wala silang ibang inatupag kundi silipin at imbestigahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Matagal na ang isyung ito. Panahon pa ng dating admi­nistrasyon pinagpipilitan na nilang manghimasok sa ating hukuman. Nakaupo pa noon sa Senado at Kongreso ang mga pulitikong bumubula ang bibig na nag-uudyok sa ICC na kalkalin ang isyu ng human rights.

Si President Ferdinand Bongbong Marcos nabuwisit na rin. Disente pa nga ang presidente. Hindi na raw maki­kipag-ugnayan ang Pinas sa ICC. Tinuldukan na ni PBBM ang pagmamatigas ng ICC na imbestigahan ang drug war ni PRRD.

Kung kay Pangulong Duterte ‘yan siguradong makakatikim ng mura ang mga opisyal ng International Criminal Court. Sinopla sila noon kaya hindi sila nakaporma. Hanggang sa nag-withdraw na ang Pilipinas sa Rome Statute.

Walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas. Wala ring dahilan para mag-imbestiga dahil buhay na buhay at guma­gana ang ating hukuman.

Hindi tayo tulad ng ibang mga bansa na nilalabag ang karapatang pantao at pinamumunuan ng mga diktador.

Pero itong ICC, talagang pursigido. Kaya ang mensahe­ nalang sa kanila ni Justice Secretary Boying Remulla, good luck!

Kapag pinagpilitan daw ng ICC na mag-imbestiga, hindi sila makakapasok sa Pilipinas para ipairal ang kanilang rule of law.

Hindi sila magiging lehitimo dahil ang rule of law dito ay gawa ng mga Pilipino para sa Pilipino, hindi gawa ng mga puting unggoy. Sabi ‘yan ni Sen. Jinggoy. As in white monkeys.

Si Russian President Vladimir Putin nga pinagtawanan lang ang inisyung warrant of arrest ng ICC. Subukan daw nilang arestuhin siya at pasasabugin niya ang headquarters nila sa Netherlands gamit ang hypersonic missile.

Biglang nabahag ang buntot ng ICC.

vuukle comment

ICC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with