^

PSN Opinyon

One-strike policy

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KAPAG palpak, mahina at walang alam ang nasa itaas, asahan natin palpak din ang mga tagasunod.

Ganito ang nangyayari sa Philippine National Police. Unfiltered!

Mahina ang namumuno. Hindi marunong dumiskarte. Laging sunud-sunuran sa mando ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Kaya ang mga pulis sa ibaba, gumagawa ng kalokohan. Bumabalik na naman ang mga hulidap, pangongotong at mga pulis na sangkot sa mga ilegal na aktibidades.

Ano pa nga ba ang aasahan natin kay PNP chief Rodolfo Azurin. Dapat yata sa kanya nag-pastor. Masyadong mahaba ang pisi. Lagi lang nakabuntot kay DILG Sec. Benhur Abalos na puro pabida-bida at paepal. Naggagaling-galingan sa law enforcement pero wala naman tala­gang alam.

Pagdating sa photo ops laging nangunguna. Pero kapag may isyu, may problema hindi nagkokomento. Nowhere to be found.

Si House Speaker Martin Romualdez, dismayado na rin sa PNP at DILG. Ang mga pulis daw na dapat nagpu­protekta sa mga mamamayan, inaakusahan ngayon ng hulidap, pangongotong at sangkot sa mga ilegal na aktibi­dades sa iba’t ibang lugar.

Kaya ang panawagan ni Romuldez, internal cleansing. Ipatupad ang One-strike policy laban sa mga pulis patola o mga erring cops.

Isang pulis lang ang mahuli, top to bottom shakedown agad. Isa lang ang nagkamali o nasangkot sa iregularidad, dapat ang hepe sabit din. Hindi puwede ‘yung lider na bumabalanse at nagbubulag-bulagan. Aplikable ito sa mga istasyon, distrito, probinsya at regional police.

Dapat may moral authority at moral ascendency. May pananagutan at responsibilidad sa kanyang mga pinamumunuan. Ginagalang at nirerespeto dahil siya ay talagang kagalang-galang at karespe-respeto.

Nag-ugat ang mungkahing ito ni Speaker Romualdez sa umano’y robbery extortion ng 13 operatiba ng CIDG-NCR noong nakaraang linggo. Ang biktima, mga negosyanteng Chinese. Mabuti naman lahat ng mga pulis na sangkot, sinibak na. Pati ang hepe nila, inalis din sa puwesto dahil sa isyu ng command responsibility.

Paglilinaw. Wala akong masamang tinapay kay Azurin at Abalos. Niyayanig at ginigising ko lang sila para gawin nila ang trabaho nila nang maayos at tama.

Ang dapat nila ngayong pinagsisikapan ay maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa kapulisan. Madaling hanapin, madaling lapitan, madaling puntahan.

Kaya Abalos at Azurin, tigil na kayo sa pabida-bida, paepal-epal at puro satsat. Walk your talk and walk your walk!

vuukle comment

DILG

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with