^

PSN Opinyon

Trafficking: Impiyerno sa buhay ng mga OFW

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Sa mga nagha-hangad magkatrabaho sa ibang bansa, hindi lang sa mga illegal recruiter dapat mag-ingat kundi pati na rin sa mga human trafficker. Marami na ring mga overseas Filipino worker ang nabiktima ng human trafficking na itinuturing na isang uri ng modernong pang-aalipin. Halimbawa nga iyong napaulat na daan-daang OFW na napilitang magtrabaho sa mga sindikato ng crytocurrency scams sa ilang mga bansa sa Southeast Asia tulad ng Myammar, Cambodia at Laos. May mga OFW na kinukuryente, pinahihirapan, pinagtatrabaho sa napakahabang oras, ikinukulong, binaon sa utang, at iba pang pang-aabuso. Marami na rin kaso ng mga OFW na ipinadala bilang turista sa isang bansa pero pagtatrabahuhin bilang katulong sa itinakdang desti-nasyong bansa na dahilan para madali itong mapagsamantalahan. Hindi naman kasi dumaan sa legal na proseso ang pagtungo at pagtatrabaho nila roon kaya hindi kataka-takang dumaan sila sa ganitong karanasan. Mahaba na rin ang listahan ng mga kaso ng OFW na naabuso, napagsamantalahan, minaltrato at napatay o pinatay, nasangkot sa krimen, nakulong at nabitay sa ibang bansa nang dahil sa human trafficking.

Nabatid din sa Department of Migrant Workers na ilang OFW sa Poland at ibang bansa sa Europe na bilang biktima ng human trafficking, pinagtatrabaho sila nang napakahabang oras, napakababa ng suweldo at mapa-nganib ang kundisyon sa trabaho.

Ayon kay DMW Secretary Susan Ople, isinasagawa ng mga human trafficker ang illegal recruitment sa pamamagitan ng internet “kaya kailangan na-ting gamitin nang epek-tibo ang social media para ibunyag ang mga sintikatong ito. Kung aalis nang hindi handa ang ating mga manggagawa, walang kamalaymalay sa kanilang mga karapatan at hindi napapag-isipan ang maaaring mangyari sa buhay nila sa ibang bansa, napakalaki ng tsansang mapunta sila sa mapanganib na kalagayan.” Pinapayuhan niya ang mga OFW na dumaan sa legal na proseso at iwasang ipagkatiwala ang buhay at kaligtasan nila sa mga estranghero sa social media.

Maging ang United Nations ay nagbababala na inaabuso na ng mga human trafficker ang online technology para makapambiktima. Nanlilinlang ang mga human trafficker ng mga biktima na inaalok ng pekeng trabaho at pekeng pa-ngako sa tulong ng internet para pagkakitaan ang mga ito.

Ang mga trafficker ay gumagamit ng karahasan, pekeng employment agencies, at pekeng pangakong pag-aaral at pekeng trabaho para linlangin at gipitin ang kanilang mga biktima. Sinasamantala ng mga kriminal na ito ang mga tao na mahihina, mahihirap, desperado, o iyong mga gusto lang magkaroon ng magandang buhay.

Lumilitaw sa isang pananaliksik ng UN Office on Drugs and Crime (UNODOC) kung paano tinatarget ng mga trafficker ang mga biktima at nire-“recruit” sa pamamagitan ng social media at online dating platforms na rito ay nasisilip ng mga kriminal ang mga personal na impormasyon at ibang mga sensitibong detalye hinggil sa biktima.

Ipinaliwanag ni Tiphanie Crittin, isang opisyal ng UNODC, na kasalukuyang ginagamit ng mga trafficker ang teknolohiya para makilala, i-recruit, kontrolin at pagsamantalahan ang kanilang mga nabibiktima at ginagamit nila ang internet lalo na ang dark web para itago ang kanilang illegal materials at ang kanilang tunay na pagkatao sa mga imbestigador.

Ayon pa sa U.N., ang mga trafficker ay gumagamit ng mga pekeng website o nag-poposte ng mga advertisement sa mga lehitimong employment portal at social networking website. Sa ilang website na ito ay maaaring makapag-“live chat” na paraan para direktang makontak ng trafficker ang biktima at makuha ang mga personal na impormasyon nito tulad ng passport, tirahan at contact number, na daan para makontrol nang husto ng trafficker ang target niyang biktima.

Nagagamit na ang mga location-tracking applications at ang global positioning systems ng mobile phone para matukoy ang kinaroroonan ng biktima habang sa pamamagitan ng camera ng smartphone ay nakikita ng trafficker ang biktima at ang kapaligiran nito.

Ang mga trafficker ay maaaring dayuhan, kababayan, lalake o babae, kamag-anak, manliligaw o kasinta-han, kakilala, kaibigan, o estranghero. Halimbawa ng sitwasyon sa trafficking sa paghahanap ng trabaho ay kapag ang papasukang employer ay ayaw magbigay sa manggagawa ng pirmadong kontrata o pinapipirma ang job applicant sa kontratang ang lengguwahe ay hindi niya naiintindihan at hinihingan ng would be employer ng pera ang aplikante para sa oportunidad na makakuha ng trabaho.

Dumaranas na ng trafficking ang isang dayuhang manggagawa sa isang dayuhang bansa kapag pinupu-wersa siya ng kanyang boss na manatili sa trabaho kahit gusto na niyang umalis dito; meron siyang utang sa isang employer o recruiter o hindi ibinibigay ang kanyang suweldo na kanilang ipinangako; hindi niya hawak ang kanyang passport at ibang identity documents; nakatira at nagtatrabaho siya sa isang nagsosolong lugar na napakalayo sa ibang mga tao o ibang bahay o kabihasnan o support systems; merong nagmomonitor o nagbabantay sa kanya tuwing  may kausap siyang ibang tao; binabantaan siya ng kanyang employer na idedeport o sasaktan siya; nagtatrabaho siya sa mga mapanganib na kundisyon nang walang sapat na safety gear, training, walang sapat na pahinga, siksikan sa sobrang dami ng mga kasama sa trabaho, o hindi makatao ang kalagayan sa trabaho at tirahan.

* * * * * * * * * *

Email- [email protected]

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with