^

PSN Opinyon

Panawagan sa BFAR ng fishpond raisers sa Capiz

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa nakatatanggap ng ayuda mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang fishpond raisers sa Capiz matapos umapaw ang kanilang mga pala­isdaan dahil sa Bagyong Agaton noong Abril 17, 2022 at Bagyong Paeng noong Oktubre 31, 2022. Kaawa-awa ang mga mangingisda sa nasabing lalawigan.

Nagpalabas naman ng kautusan ang BFAR na bawal anihin at ibenta ang mga alimango ng fishpond raisers na wala pa sa standard na sukat na 12 centimeter at timbang na 350 grams. Ayon sa fishpond raisers, hindi na nila mapa­pakinabangan ang kanilang mga alagang alimango dahil nama­matay na ito dahil sobrang taba na sa mga pala­isdaan. Ayon sa fishpond raisers, ang alimango na kanilang ina­alagaan ay dapat anihin pagsapit ng limang buwan. Kapag hindi ito naani, mamamatay ang mga ito.

Sa pinaiiral ng BFAR na sukat na 12cm at 350 grams, siguradong hindi na ito makakapasa sa alituntuning pinaiiral. Kaya sa ngayon, nais na ng fishpond owners na humi­ngi ng tulong kay Capiz Governor Freddieniel Castro ukol sa problema.

Ang Capiz ay Seafoods Capital of the Philippines subalit dahil sa ginagawa ng BFAR, ang kabuhayang aquaculture sa Western Visayas ay nalulubog. Nataon pang may pro­g­rama si Governor Castro na pataasin ang produksyon ng seafoods upang makahikayat ng turismo at makapagbigay ng hanapbuhay sa mga mangingisda.

Ngayon buwan na ito nagsisimulang magbitiw ng fingerlings ang fishpond owners sa Capiz dahil nag-uumpisa nang umulan dito. Ang mga alimangong inaani nila ay mga tira-tira na lamang kaya nagsibansot dahil kulang sa sali­nity. Ang hinala nila, kulang sa kaalaman ang mga taga-BFAR sa aquaculture. Kaya nananawagan na rin sila kay President Ferdinand Marcos Jr. sa ginagawa ng BFAR.

Nakababahala naman ang report na may BFAR officials na nagbabantay sa mga airport na ang target ay crab dealers. Umaabot umano sa P2 milyon ang pinapataw na multa sa mga nahuhuling crab dealers. Kung totoo, hindi ito makakatulong sa food production program ni BBM. Dapat ding ihayag ng BFAR kung saan napupunta ang mga nakukumpiska nilang alimango. Ilahad din naman ng BFAR ang kanilang programa upang maisalba ang mga naluluging fishpond raisers. Puro higpit ang kanilang pinaiiral subalit wala naman silang mga eksperto o technician na nag-aaral kung bakit nababansot ang mga alimango.

vuukle comment

BFAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with