^

PSN Opinyon

Pa-bida, puro teorya!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PABIDA, paepal o puro teorya?

All of the above. Unfiltered!

Ang gustong sabihin yata ni DILG Sec. Benhur Abalos, para maging bida ka, umepal ka. BIDA as in “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan.” Parang high school slogan contest. Bagong programa daw ng Department of Interior and Local Government (DILG). Apela niya ngayon sa mga barangay, tumulong sa kampanya kontra droga. Dapat daw gamitin ng mga barangay ang mga pagtitipon o assembly ngayong Marso para palawakin at talakayin ang kanyang programa. Mahirap talaga ‘pag pulitiko at walang alam ang nagsasalita.

Simpleng bagay na dapat mong maintindihan, Sec. Abalos­. Baka kasi hindi mo pa alam. Ang kampanya laban sa droga ay trabaho ng law enforcement agencies o ng pulis sa pakiki­pag­tulungan ng mga lokal na pamahalaan. Sa ibaba ng mga lokal na pamahalaan, nandiyan ang mga barangay. Sila ang naka­kaalam sa mga nangyayari sa kanilang lugar kung sino ang mga matitino, halang ang bituka, sanggano at mga kriminal.

Barangay ang magsasabi kung namamayagpag ang krimi­nalidad, sino ang mga naglalako, nagtutulak at guma­gamit ng ilegal na droga. Maraming uri ng mga barangay. May mga magugulo, pinamumugaran ng mga masasamang loob. May mga walang pakialam. May mga barangay na nagsusumikap na gustong mapanatiling mapayapa ang kanilang lugar at may mga barangay na hindi kayang pasukin ng mga alagad ng batas kasi mga ekslusibong subdibisyon. Sa madaling sabi, mga mamamayan ang magbibigay ng intel (intelligence report) sa mga awtoridad kung ano ang totoong kaganapan sa ibaba.

Sec. Abalos, ito ang reyalidad. Ito ang dapat tinututukan mo, community watch, community vigilance. Hindi ‘yung puro ka pabida at paepal. Kapag na-categorize na ang mga barangay, mag-set up ka ng hotline para lahat ng mga intel o mga sumbong nila makarating sa itaas. Lahat ng mga pumapasok na intel mula sa mga mamamayan, naka-synch sa mga istasyon ng pulis pataas sa mga distrito, rehiyon hanggang sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at sa police headquarters sa Camp Crame. Lahat pinag-aaralan at bina-validate.

Kaya, Sec. Abalos, huwag ka nang manawagan. There must be imposition. Ipataw mo ang mandato mo. Pakita mo pangil mo. Give the marching order but don’t do it yourself. Makipagtulungan ka sa mga alagad ng batas. Hindi ‘yung puro ka pabida at gusto mo ikaw ang laging bida. Sabi nga ni Pres. Bongbong Marcos, sugpuin ang ilegal na droga at i-rehabilitate ang mga lulong sa droga. Prevention and rehabilitation.

Mabuti pa itong si NCRPO Chief Gen. Edgar Okubo alam ang mga pinagsasabi. Anim na buwang immersion o ipapahalubilo niya ang mga pulis-Metro sa mga barangay. Hindi lang daw sapat ang police visibility kundi dapat nauunawaan din nila ang totoong kalagayan ng mga mamamayan. ‘Yan ang pulis! Communication infrastructure nalang ang kulang, General.

Sec. Abalos at mga chiwariwariwap mo, alam kong pinapanood at binabasa niyo ako. Tama na ang pabida. Tama na ang paepal. O, trabaho lang. Walang personalan!

vuukle comment

BEN TULFO

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with