^

PSN Opinyon

ABC president sa Jaen, Nueva Ecija, tiklo sa baril!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

TINAGURIANG siga sa kanilang lugar si Barangay chairman Joey Pantaleon ng Bgy. San Vicente, Jaen, Nueva Ecija subalit hindi siya umubra sa mga tauhan ni Central Luzon police director Brig. Gen. Jose “Daboy” Hidalgo. Maraming report kasing natanggap si Hidalgo na madalas manutok ng baril si Pantaleon kaya iniutos niyang mahinto ang kahibangan nito.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Elenita­ Evangelista-Casipit, sinalakay ng police team na pinamu­munuan ni Lt. Col. Jay Dimaandal, hepe ng PRO3 Regional Mobile Force Battalion ang bahay ni Pantaleon sa Purok 2, Bgy. San Vicente, Jaen noong Marso 15 at mati­wasay naman itong nag-cooperate. Eh di wow!

Ang nagtestigo sa pagserbisyo ng search warrant sa bahay ni Pantaleon ay ang dalawang kagawad niya na sina Lisa de Luna at Feliciano Gatuz. Dipugaaaaa! Hehehe!

Niliwanag naman ni Dimaandal na walang galit sina De Luna at Gatuz kay Pantaleon kundi ipinatupad lang nila ang kanilang sinumpaang tungkulin. Sana bigyan din ng award sina De Luna at Gatuz dahil sa gobyerno ang loyalty nila, di ba mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang reports na nakarating kay Dimaandal ay maraming­gamit na baril si Pantaleon kaya lang mukhang natiktikan niya ang pag-apply ng Central Luzon police ng search warrant laban sa kanya. “Mukhang nag-leak ang trabaho namin at ilang baril na lang ang inabutan namin. Uulitin namin ito,” ani Dimaandal.

Kaya nang halughugin ng RMFB3, RSOG3 at Jaen MPS ang bahay ni Pantaleon, ang nakumpiska nila ay ang 9mm Beretta pistol, 12 gauge shotgun, Cal. 380 pistol, samu’t saring bala at iba’t ibang parte ng baril. Hinabol ng mga lokal na pulitiko ang pagbitbit kay Pantaleon subalit hindi pumayag ang raiding team dahil saklaw ang raid sa programa ni Hidalgo na hakutin ang mga loose firearms sa kanilang hurisdiksiyon. Mismooooo!

Kaya sinampahan ni SSgt. Luvella Tayao, investigator on case, ng kaukulang kaso si Pantaleon. Dipugaaaaa! Hehehe! Mababago tiyak ang ugali ni Pantaleon matapos ang masama niyang karanasan, di ba mga kosa? Madali lang naman siyang makakalabas sa kulungan dahil bailable ang kaso niya.

Teka nga pala, si Pantaleon ay presidente ng Association of Barangay Chairmen (ABC) sa Jaen, Nueva Ecija kaya marami ang nagtaka kung bakit tinarget siya ng Central Luzon police. Dipugaaaaa! Sangkaterba na siguro ang reklamo laban sa kanya, ano sa tingin n’yo mga kosa? Magsillbi sanang leksiyon sa mga elected officials ang nangyari kay Pantaleon. Eh di wow! Hindi lahat ng oras ay nasa ibabaw kayo ng batas. Tumpak! Abangan!

vuukle comment

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with